Glaiza De Castro sa pagiging ‘hands-on’ sa negosyo

Glaiza De Castro sa pagiging ‘hands-on’ sa negosyo: Challenging…it’s something na hindi ko pa ginagawa before

Pauline del Rosario |May 04,2023
facebook
share this

Glaiza De Castro sa pagiging ‘hands-on’ sa negosyo: Challenging…it’s something na hindi ko pa ginagawa before

Pauline del Rosario - May 04, 2023 - 04:32 PM

Glaiza De Castro sa pagiging ‘hands-on’ sa negosyo: Challenging…it's something na hindi ko pa ginagawa before

PHOTO: Instagram/@glaizaredux

INAMIN ng Kapuso actress na si Glaiza De Castro na naninibago siya sa bagong pinagkakaabalahan bilang isang negosyante.

Magugunitang kakabukas lang ng bagong resort house ng aktres na matatagpuan sa Baler, Aurora.

Sa isang interview with GMANetwork.com, nag-open up siya tungkol sa pagiging first time hands-on business owner.

“Challenging, ibang role siya pero exciting kasi it’s something na hindi ko pa ginagawa before,” sey niya.

Chika pa niya, “Sabi ko nga sa family ko, ngayon lang ako halos tumutok sa business.”

Aminado si Glaiza na mahirap ang pagkakaroon ng negosyo, pero worth it naman daw ang kanyang pagod.

“Before, lagi kong pinapaubaya sa ibang tao, may ibang taong nag-aasikaso. Although here naman, may staff din naman, pero talagang ngayon ako mas nag-invest ng time, ng effort,” dagdag niya.

Baka Bet Mo: Glaiza de Castro umaming natatakot mabuntis at manganak: ‘Kailangan kong maging prepared, physically, mentally and spiritually’

“Nakakapagod pero worth it naman lahat ng outcome,” saad pa niya.

Noong Marso ay ibinandera ni Glaiza sa pamamagitan ng social media ang pagbubukas ng “Casa Galura.”

Tila napa-throwback pa nga siya sa kanyang childhood memories nang ikinuwento niya sa Instagram kung bakit naisipan niyang mag-invest sa isang resort.

“Siguro dahil ni re-remind niya ako ng childhood ko at noong mga panahon na nakakapag-reunion kaming pamilya. Nakaka-miss lang,” saad niya sa dating post.

Hindi lang ‘yan ang negosyo ni Glaiza sa Baler.

Sa katunayan nga ay mayroon na siyang cafe na binuksan nitong Pebrero.

Matatandaan noong Enero lamang ay naganap ang second wedding ng mag-asawa sa Zambales dahil hindi naka-attend ang pamilya ng aktres sa Ireland wedding ng dalawa noong 2021.

Related Chika:

Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending