Glaiza napa-’senti’ mode sa pagbubukas ng kanyang resort: Nire-remind nito ‘yung nakakapag-reunion kaming pamilya | Bandera

Glaiza napa-’senti’ mode sa pagbubukas ng kanyang resort: Nire-remind nito ‘yung nakakapag-reunion kaming pamilya

Pauline del Rosario |March 11,2023
facebook
share this

Glaiza napa-’senti’ mode sa pagbubukas ng kanyang resort: Nire-remind nito ‘yung nakakapag-reunion kaming pamilya

Pauline del Rosario - March 11, 2023 - 09:14 AM

 

Glaiza napa-’senti’ mode sa pagbubukas ng kanyang resort: Nire-remind nito ‘yung nakakapag-reunion kaming pamilya

PHOTO: Instagram/@glaizaredux

MAY bagong negosyo ang aktres na si Glaiza De Castro matapos ang second wedding sa Irish husband na si David Rainey halos dalawang buwan na ang nakakaraan.

Inanunsyo niya sa social media na may binuksan siyang resort house sa Baler, ang “Casa Galura.”

Sa Instagram, ibinandera ni Glaiza ang pictures ng mala-mansion na bahay na may swimming pool.

Kalakip niyan ang mahabang caption na tila napa-throwback pa siya sa kanyang childhood memories.

Kwento niya sa IG post, “Naalala ko lang nung mga bata pa kami tuwing Holy Week, ‘yung mga tita at tito ko ‘yung laging nag bu-book ng accommodation para i-celebrate ang birthday ni lola at chance narin namin na magkita-kitang mag pi-pinsan.”

Dagdag pa niya, “Pero habang lumalaki kami, nabawasan na ‘yung mga ganitong pagkakataon. Nag iba-iba na ng tinitirhan, si lolo at lola nasa heaven na rin [folded hands emoji].”

Baka Bet Mo: Lovely Abella ‘dream come true’ ang bagong resort: Magtiwala ka lang, may kanya-kanyang plano si Lord

Ipinaliwanag na rin niya kung bakit naisipan niyang mag-invest ng resort.

“Siguro dahil ni re-remind niya ako ng childhood ko at noong mga panahon na nakakapag-reunion kaming pamilya. Nakaka-miss lang,” saad niya.

Sa bandang huli ay tila naging emosyonal si Glaiza sa kanyang post at nagbigay pa ng mensahe sa mga minamahal niyang yumaong lolo at lola.

Caption niya, “lolo at lola, sorry na-delay ‘yung promise namin sa inyo na bahay na may swimming pool. Pero eto na siya, malamang nakikita niyo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Hindi lang ito ang negosyo nina Glaiza at David sa Baler.

Sa katunayan nga ay mayroon na silang cafe na binuksan nitong Pebrero.

Matatandaan noong Enero lamang ay naganap ang second wedding ng mag-asawa sa Zambales dahil hindi naka-attend ang pamilya ng aktres sa Ireland wedding ng dalawa noong 2021.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alice Dixson ipinasilip ang itsura ng tatay ni Baby Aura: Mama & Papa… my forever!

Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending