Glaiza de Castro umaming natatakot mabuntis at manganak: 'Kailangan kong maging prepared, physically, mentally and spiritually' | Bandera

Glaiza de Castro umaming natatakot mabuntis at manganak: ‘Kailangan kong maging prepared, physically, mentally and spiritually’

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Glaiza de Castro umaming natatakot mabuntis at manganak: ‘Kailangan kong maging prepared, physically, mentally and spiritually’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 07:40 AM

Glaiza de Castro umaming natatakot mabuntis at manganak: 'Kailangan kong maging prepared, physically, mentally and spiritually'

Glaza de Castro at David Rainey

KUNG ngayon siya tatanungin, hindi pa handang mabuntis at magkaanak ang award-winning Kapuso actress na si Glaiza de Castro.

Mula raw noong magpakasal sila ng kanyang asawang si David Rainey ay palagi na siyang natatanong kung kailan nila planong magka-baby at ilan daw ang gusto nilang anak.

Aminado ang aktres na natatakot talaga siyang magbuntis pero gusto naman daw niyang magka-baby sila ng kanyang asawa at pinag-uusapan naman daw nila ang tungkol dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


Sa naganap na virtual mediacon ng bagong afternoon teleserye ni Glaiza sa GMA 7, ang “The Seed of Love” ay natanong ang aktres kung ano ang matututunan ng manonood sa kanilang programa na tungkol sa isang couple na magkakaanak through in vitro fertilization.

“Majority ng tina-tackle dito, ‘yung in vitro fertilization. Siguro sa mga katulad ko, nandoon pa ako sa point na natatakot pa ako, honestly, na magkaanak,” pahayag ni Glaiza.

Aniya pa, “Kasi, iba-iba nga ‘yung journey ng bawat babae. I think, ang advantage ngayon sa panahon natin ay napakaraming options, ‘di ba?

Baka Bet Mo: Glaiza nagsukat na ng wedding gown para sa ika-2 kasal sa Pinas; Rabiya, Max, Andrea pang-international na rin ang career

“Nasa sa ‘yo na ‘yun kung gagawin mo ‘yung option na ‘yun, pero hindi masamang mag-try ng iba’t ibang paraan para magkaroon ng anak, or matupad mo ‘yung gusto mo.

“May mga babae na talagang pangarap nila maging nanay, ‘di ba? May mga babae naman na in-accept na nila na hindi sila magiging nanay, pero, I think, ‘yun ‘yung isa sa mga lessons (ng The Seed of Love), hindi lang sa mga audience, pero ako, na-educate rin ako through this show,” paliwanag pa ni Glaiza.

Samantala, tungkol nga sa paghahanda nila ni David sa pagiging nanay at tatay, “Of course, napag-uusapan namin pero sa lahat ng nagtatanong kung kailan kami magbe-baby, sinasabi ko po lagi na kailangan kong maging prepared, physically, mentally and spiritually.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manila Craft Mixes & Brews (@manilacraft)


“Kasi nakikita ko rin sa mga kaibigan ko, sa mga kapatid ko na hindi talaga madali magkaroon ng anak.

“So medyo pinaghahandaan pa po namin talaga, parang pagdating ng araw na ‘yun, or pagdating ng time na gusto na talaga namin mag-baby, settled na kami, kasi ngayon, marami pang kailangan ayusin, like we just started a business,” pahayag pa ng Kapuso star.

Dagdag pa niya, “Nu’ng time na ginagawa namin ‘yung (The Seed of Love), busy rin kami pareho. So, ayun, pinag-uusapan na namin, yes. Kung ilan? Siguro, dalawa lang pero, hindi tayo makakasiguro.

“Minsan, kapag nagse-set tayo, minsan hindi rin natutuloy, e. Pero ideally, dalawa para hindi mahirap i-manage,” sabi pa ni Glaiza.

Makakasama rin ni Glaiza sa “The Seed of Love” sina Mike Tan, Valerie Concepcion at marami pang iba. Abangan at tutukan ang world premiere nito sa May 8, pagkatapos ng “AraBella” sa GMA Afternoon Prime.

Glaiza naghahanda na sa pag-aasawa: Kailangan ko nang maging financially independent

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine wala pa ring balak magkaroon ng sariling anak: ‘Takot talaga akong mabuntis at manganak’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending