Paolo Contis manhid na manhid na sa pangnenega ng bashers; payag makatrabaho uli si Yen Santos kung... | Bandera

Paolo Contis manhid na manhid na sa pangnenega ng bashers; payag makatrabaho uli si Yen Santos kung…

Ervin Santiago - May 02, 2023 - 07:14 AM

Paolo Contis manhid na manhid na sa mga pangnenega ng bashers; payag makatrabaho uli si Yen Santos kung...

Yen Santos at Paolo Contis

MANHID na ang Kapuso actor at host na si Paolo Contis sa mga pamba-bash at panlalait sa kanya sa social media, lalo na sa mga pangnenega sa kanya ng mga netizens dahil sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes.

Nadagdagan pa ang galit sa kanya ng publiko mula nang lumantad sila ni Yen Santos at ibandera sa buong universe ang kanilang pagmamahalan.

“Sabi ko nga I know the things that I did. Nagsorry na ako. Again, I’m working on changing myself which I don’t post and I don’t need to inform everyone what I’m doing.

“So yung peace na yun, nasa utak ko. Work helps me concentrate more. Suwerte ako na ang GMA at MavX ang kino-consider nila ay yung talento na dinadala ko at hindi yung personal kung pinagdadaanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


“Yes, of course, you get reprimanded at napagsasabihan ka. But at the end of the day, alam naman nila na I deliver. I don’t get bothered by bashings especially if these people don’t really matter to me,” ang pahayag ni Paolo sa isang interview.

Pagpapatuloy pa niya, “Everyone is entitled to their own opinion based on the facts that they know kung ano lang na ang na-present sa kanila.

“Ilang tao lang talaga ang nakaka-alam ng tunay na facts. So kung yun ang tingin nila, then so. be it. Minsan yung criticism sa akin offensive na but it’s their prerogative,” chika pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

“Naniniwala ako na nag-mature na ang mga audience. I’m not saying all bashers are trolls. But then again, they will always say what they want because they can. It’s very easy for them to criticize everyone.

“They will always be there. Pero if there’s a movie regardless of how much they hate you, they will still watch it,” mariin pa niyang sabi.

Sa tanong kung posible pa bang magkasama pa sila ni Yen sa isang project, “If there’s a project, why not? Work is work. If there’s a project that we want to do, why not?”

Kiray Celis sa mga laiterang bashers: Hindi naman ako magkakapera sa inyo so, bakit ko kayo papatulan!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco, Michelle, Paolo manhid na sa hate comments tungkol sa pagkakulong ni Dennis Roldan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending