Aiko nangakong ibabandera sa buong universe kapag ikakasal na: ‘Hindi ako maarte katulad ng iba na may privacy eme’
SINA Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice President Sara Duterte ang kasama sa listahan ng magiging ninang sa kasal ni 5th district Councilor Aiko Melendez kapag muli siyang ikinasal sa ikatlong pagkakataon.
Siyempre kasama rin sa listahan niya ang ninong ng mga anak niya bukod pa sa pagiging manager at bestfriend na si Ogie Diaz.
Sabi ni Konsi Aiko sa kanyang Facebook post ngayong hapon, “Mayor JOY Belmonte – kasi nu’ng official trip namin mas nakilala ko siya. And I know she is someone that I can rely on and trust.
“Nakita ko ‘yung pagiging genuine n’ya lalo over our official trip. Di ba sa trip du’n lumalabas ugali, so, gusto ko s’ya talaga. Kunwari abutin ng di na s’ya mayor kukuhain ko pa din siya as my ninang.
View this post on Instagram
“VP Sara Duterte – matik na sagot nakikita ko sarili ko sa kanya idol ko kasi s’ya matagal na eh. Mayor palang siya I look up to her.
“Ogie Diaz kahit ninong na siya ng mga anak ko gusto ko pa din siya ninong kasi maaasahan talaga tsaka balita ko malaki pakimkim. Chareeng! Isip pa ako ahahahahaha.”
Ito ang sagot ni Aiko sa tanong niya sa naunang post kung sino sa tingin ng lahat ang kukunin niyang ninong at ninang kapag ikinasal siya.
Baka Bet Mo: Janella sa isyung hiwalay na sila ni Markus: Respect our privacy muna but we’re okay
Naglabas kasi ng mga larawang kuha sa Europe tour ang aktres at politiko kasama ang boyfriend niyang si Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun na inakala ng lahat na nagpakasal na sila roon lalo’t may kuha sila sa harap ng Eiffel Tower sa Paris, France na nag-kiss.
Kaya naman maraming kasamahan sa media ang nagpadala ng direct message sa kanya para alamin ang totoong nangyari, at isa na kami roon.
Post ni Konsi Aiko sa kanyang FB account, “3 Press People na po ang nag Chat sa akin asking kung kinasal po ako sa Europe. Dahil sa mandatory picture sa Eiffel tower. Isahan na lang po para galing sa akin mismo po.
View this post on Instagram
“Hindi po totoo, Kung sakali man ako ay papalarin na ikasal muli hindi ko ito ipagkakait sa mga kaibigan ko sa media. Kasi parte kayo ng buhay ko. Hindi ako maarte katulad ng iba na me privacy eme.
“Una sa lahat ba’t ka nag artista kung gusto mo privacy? Bat ka pumasok sa public service kung privacy hanap mo? ‘Yan ang 2 trabaho na walang ganu’n.
“Kaya di ko pagdadamot yan. Ayaw ko na din sana sumagot ng kasal-kasal issue kasi nakaka-offend minsan parang mas sila pa me gusto kesa sa amin ahahhahaaha!
“Seriously, kung ikakasal ako malalaman n’yo lahat ‘yan pangako. At di ko itatapat kung kelan malapit ang eleksyon ahahahahahah! Alam na this!
“Di ko gagamitin ang pribadong buhay ko para sa pulitika pero meron na akong ninang at ninong. At entourage.
“Ang tanong me groom na ba? Ahahahha chareeeeeeeng!!!!
“Sino sino sa tingin nyo mga ninang at ninong ko?”
Aliw talaga itong si Konsi Aiko, kaya nagkakaintindihan sila ng manager niyang si Ogie Diaz dahil sa sense of humor nila.
Feeling din namin isa ito sa nagustuhan ni cong Jay sa nobya niya dahil lagi siyang pinatatawa kung baga stress reliever at higit sa lahat, brainy ang aktres cum politiko ‘no!
Jake Zyrus humiling ng ‘privacy’ habang nagluluksa sa pagkamatay ng lola at tiyuhin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.