Paggamit ni Sara Duterte ng chopper araw-araw, fake news daw ayon sa VP spokesperson | Bandera

Paggamit ni Sara Duterte ng chopper araw-araw, fake news daw ayon sa VP spokesperson

Therese Arceo - September 14, 2022 - 05:53 PM

Paggamit ni Sara Duterte ng chopper araw-araw, fake news daw ayon sa VP spokesperson
PINABULAANAN ng Vice Presidential Spokesperson na si Atty. Reynold Munsayac ang diumano’y kumakalat na balita patungkol sa araw-araw na paggamit ni Vice President at Department of Education Sec. Sara Duterte ng chopper.

Ayo sa isang interview nitong Miyerkules, Setyembre 14, wala raw katotohanan ang mga balitang araw-araw ginagamit ng bise presidente ang chopper upang makauwi ito sa Davao.

“Fake news ho yan na araw-araw ginagamit yung chopper para umuwi sa Davao. Una ho, Manila-based na si VP [Sara Duterte] at kaniyang pamilya. Dito na po nag-aaral ang kaniyang mga anak tapos land vehicles po yung ginagamit nila,” saad ng VP spokesperson.

Dagdag pa niya, “Tsaka ho lahat ng nakakakilala kay VP, yung history ng public service niya alam na napaka-efficient niya at palagi niyang poprotektahan yung government resources. Ginagamit lang po ang chopper kapag kailangan sa official work and functions, based sa lugar na pupuntahan at urgency of schedule.”

Hirit pa ng VP spokesperson, kung may makapagsasabi raw na may chopper na kayang lumipad mula Maynila patungong Davao ay sabihin sa kanya.

“Ngayon kung meron na pong nakadiskubre ng chopper na kayang lumipad ng manila papuntang davao eh makikisakay po ako,” sey ni Atty. Munsayac.

Matatandaang nitong Martes, Setyembre 13 nang mag-trending si VP Sara Duterte sa social media matapos batiin ng maligayang kaarawan si Pangulong Bongbong Marcos.

Bukod sa pagbati ay nagpasalamat ito sa pagpapahiram sa kanyang ng chopper para umabot sa bed time ng anak.

“Thank you, PBB, and your 250th PAW for ensuring that wherever I may be found in the country during the day, I am home in time to tuck my children to bed. Thank you for putting a premium on the desire of a working mother to be present in her children’s lives,” saad ni VP Sara Duterte.

Dagdag pa niya, “I wish God’s favor upon you as you celebrate your birthday and pray that you are given the strength and wisdom for the difficult road ahead. Happy Birthday! I wish you good health and happiness.”

Agad namang napataas ng kilay ang mga netizens matapos makita ang Facebook post ni VP Sara.

“Tax namin yan tapos pinang-hehelicopter mo lang para makauwi ka sa bahay mo? Saan delikadeza mo bilang public servant?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “tapos kaming mga normal na Pilipino makikipagsiksikan sa tren para lang makapasok ng maaga sa trabaho.”

“Wow! Ginawang everyday service and AF chopper. While 2.9 Filipinos are hungry, wala namang habas sa pag gasta ng taxpayer’s money,” hirit naman ng isa pa.

Other stories:
Aktong panghihipo ni Duterte sa kasambahay, biro lamang at walang malisya–Roque

VP Sara Duterte wagi sa kanyang Bagobo Tagabawa tribe dress para sa 2022 Sona ni Pangulong Bongbong Marcos

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iza Calzado ipagdarasal sina Bongbong Marcos at Sara Duterte: I now put my faith in the current elected administration…

Sanya Lopez feeling ‘privileged’ nang maimbitahan sa inagurasyon ni Sara Duterte; tinuksu-tukso kay Sandro Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending