Aktong panghihipo ni Duterte sa kasambahay, biro lamang at walang malisya--Roque Bandera

Aktong panghihipo ni Duterte sa kasambahay, biro lamang at walang malisya–Roque

Karlos Bautista |March 29,2021
share this

Aktong panghihipo ni Duterte sa kasambahay, biro lamang at walang malisya–Roque

Karlos Bautista | March 29,2021 - 03:59 PM

 

Walang malisya.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kumakalat na video kung saan ang isang kasambahay ay anyong hihipuan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Alam mo naman talagang palabiro ang ating Presidente, pero wala pong malisya ‘yun dahil nakaharap naman po doon si Ma’am Honeylet,”  ani Roque sa kanyang pahayag nitong Lunes.

Nagdaos ng ika-76 na kaarawan si Duterte sa kanyang tahanan sa Davao City nitong Linggo.

Sa birthday dinner, nauna nang hinipan ng Pangulo ang kandila na nakatirik sa kanin.

Matapos ito ay lumapit ang isang kasambahay. Dala nito ang isang maliit na cake na may nakasinding kandila.

Anyong hihipuan ng Presidente ang babae sa pribadong bahagi nito pero maagap itong nakaiwas.

Ayon kay Roque, matagal nang kasambahay ng pamilya ni Duterte ang nasabing babae.

“Kung may magrereklamo, dapat iyong kasama niya sa bahay,” wika ni Roque.

Noong 2018, inamin ni Duterte sa isang talumpati na hinalay niya ang kanilang katulong noong siya ay teenager pa lamang.

Kaagad naman itong pinabulaanan ng Palasyo, at sinabing nagbibiro lamang ang Pangulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending