Janella sa isyung hiwalay na sila ni Markus: Respect our privacy muna but we’re okay Bandera

Janella sa isyung hiwalay na sila ni Markus: Respect our privacy muna but we’re okay

Therese Arceo |June 17,2022
share this

Janella sa isyung hiwalay na sila ni Markus: Respect our privacy muna but we’re okay

Therese Arceo - June 17, 2022 - 09:42 AM

Janella sa isyung hiwalay na sila ni Markus: Respect our privacy muna but we’re okay

NAGSALITA na ang Kapamilya actress na si Janella Salvador ukol sa kumakalat na balitang diumano’y paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson.

Marami na kasing mga chika ang kumakalat patungkol sa kanilang relasyon mula pa noong January matapos mapansin ng mga netizens na tila hindi masyadong nagpo-post ang dalawa ng mga larawan nila nang magkasama.

Isang entertainment reporter ang nagtanong kay Janella ukol sa estado ng kanilang relasyon habang isinasagawa ang unveiling ng Darna mural sa ABS-CBN compound.

“Markus and I are okay and I’m aware of the speculations that are going around, saad ni Janella kay Kiko Escuadro.

Humingi rin ng privacy ang aktres ukol sa isyu at sinabing sana ay irespeto ng mga tao kung ano man ang nangyayari.

“Pero siguro, I’m asking people to give us more time. I-respect kung ano man yung nangyayari. Pero okay kami. We’re okay. We’re totally okay,” pagdidiin ni Janella.

Nang muling tanungin kung ano ang masasabi niya sa mga taong nag-uusisa sa kanilang relasyon ni Markus inamin ng aktres na hindi naman ito maiiwasan.

“Siguro hindi na maiiwasan na people will talk, pero yun nga, I hope people will respect our privacy as of now. And eventually naman, kung…” sey ni Janella na hindi tinapos ang dapat sabihin.

Pag-uulit niya, “Ayun, yun lang. Respect our privacy muna, but we’re okay.”

Una nang nagsalita si Markus hinggil sa isyung kumakalat patungkol sa kanila ni Janella.

Ngunit tulad rin ng sagot ng aktres, hindi naging direkta ang sagot ng aktor kung totoo nga ba ang kumakalat na break na sila at sinabing hahayaan na lang ang aktres na siyang magsalita ukol rito.

Unang inamin nina Janella at Markus ang kanilang relasyon nitong Setyembre 2020 ngunit sila na simula pa noong 2019.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)

Makalipas ang ilang buwan ay ipinakilala naman nila ang kanilang panganay na anak na si Jude Trevor noong January 2021.

Related Chika:
Totoo ba ang chika, Janella Salvador, Markus Paterson ilang buwan na raw hiwalay?

Sagot ni Markus kung hiwalay na sila ni Janella: I’m gonna let her do the talking, but we’re both very good

Janella, Markus wala pang balak magpakasal: Yung focus namin ngayon na kay Baby Jude talaga

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending