Totoo ba ang chika, Janella Salvador, Markus Paterson ilang buwan na raw hiwalay? | Bandera

Totoo ba ang chika, Janella Salvador, Markus Paterson ilang buwan na raw hiwalay?

Reggee Bonoan |April 30,2022
facebook
share this

Totoo ba ang chika, Janella Salvador, Markus Paterson ilang buwan na raw hiwalay?

Reggee Bonoan - April 30, 2022 - 03:52 PM

Markus Paterson at Janella Salvador

HIWALAY na nga ba sina Markus Paterson at Janella Salvador?

Gusto naming isiping sobrang busy lang sila pareho sa lock-in taping ng kanilang respective TV series o kaya naman ay hindi swak sa schedule ng bawa’t isa para magkaroon sila ng panahong mag-bonding.

Sa kani-kanilang Instagram account kasi ay noong Enero 1, 2022 pa ang huling post nina Markus at Janella kasama ang kanilang anak na si Jude.

At sumunod no’n ay kanya-kanya na silang post kasama ang kanilang anak lalo na si Markus na nandito sa bansa ang ama at may mga larawang magkakasama sila sa iba’t ibang lugar.

Pareho pang pina-follow nina Markus at Janella ang isa’t isa sa IG kaya baka nga hindi naman sila talaga hiwalay?

Pero base sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena na in-upload nitong Biyernes ng gabi ay nasambit ng una na narinig niyang hiwalay na nga ang dalawa.

Sinimulan ni Mama Loi na napansin ito ng netizens na wala na ngang post na magkasama sa isa’t isa sina Markus at Janella with Jude.

“Sapantaha ng marami ay hindi na sila nagsasama,” sambit ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


“At ang nagbigay tuldok diyan ‘Nay (tawag ni Mama Loi kay Ogie) ay no’ng kasal ni Pat Sugui wala si Markus,” say ni Mama Loi. “Si Baby Boy lang at si mommy ang nando’n hinahanap si daddy, ano sa palagay mo?”

Oo nga, malaking palaisipan ‘yun dahil kaibigan ni Markus si Pat at kabilang pa nga ito sa vlog nila ni Janella noong ipakilala nila sa publiko si Jude.

Ayon kay Ogie, “Well, hindi ako mapalagay pero ang narinig ko lang Loi ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at si Markus Paterson. Hindi naman taon kundi mga ilang buwan na.

“Dahil narinig ko Loi na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Paterson.

“Me drinking habit ito at kapag habit madalas itong umiinom ng alak at kapag nakakainom ng alak ay nagkakaroon ng anger management (issue),” pahayag ng vlogger at talent manager.

Binalikan ni Loi ang solong panayam ni Ogie kay Janella noong unang buwan ng 2022, “E, di ba doon sa interview mo nabanggit niya na may trauma siya sa mga umiinom?” tanong ng co-host ni Ogie.

“Oo, parang ganu’n. Pero kailangan pa nating makausap si Janella kung gaano katotoo ito. Minsan naman pag tinatanong mo si Janella (muwestrang ite-text) hindi sasagot ‘yun. So, sasabihin nila, silence means yes!

“Pero siyempre pangit pa rin na porke’t hindi nakausap si Janella, e, ‘yun ang ipapalagay natin? Pero ‘yun ang narinig ko mula sa common friends nila.

“Feeling ko lang kapag madalas pinag-aawayan nina Markus at Janella ay ang pag-inom na ang sumatotal ay nagkakaroon ng anger management itong si Markus, aba siyempre makikita ng bata ‘yung pag-aaway hindi maganda ‘yun. Kaya para sa akin magpahinga muna sila kung totoo ‘yun ang dahilan, ha?” mahabang kuwento ni Ogie.

Dagdag pa, “Kaya Markus ano ba ang totoo? Bakit matagal kayong walang post ni Janella na magkasama kayo together with your son.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)


At nasabi pa na nagkakabistuhan ang estado ng relasyon dahil sa mga post sa IG at malaki rin daw ang posibilidad na may pahiwatig yun na hindi na okay ang dalawa, say ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA para sa panig nina Markus at Janella o ng kani-kanilang kampo para mas mabigyang-linaw ang isyung ito. Kaya huwag munang husgahan si Markus, mas mabuting hintayin natin ang paliwanag niya pati ni Janella.

Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Janella rumesbak sa nagsabing ‘sayang’ siya dahil maagang nabuntis

Janella kay Markus: Thank you for being the most amazing, hard-working, hands-on father

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending