Janella, Markus wala pang balak magpakasal: Yung focus namin ngayon na kay Baby Jude talaga | Bandera

Janella, Markus wala pang balak magpakasal: Yung focus namin ngayon na kay Baby Jude talaga

Ervin Santiago |February 06,2022
facebook
share this

Janella, Markus wala pang balak magpakasal: Yung focus namin ngayon na kay Baby Jude talaga

Ervin Santiago - February 06, 2022 - 06:50 AM

Markus Paterson, Janella Salvador at Baby Jude Trevor

WALA pa sa mga top priorities ngayon ng celebrity young parents na sina Janella Salvador at Markus Paterson ang pagpapakasal.

Ayon sa Kapamilya actress, nais muna nilang ibuhos ang kanilang atensyon at panahon sa panganay nilang anak na si Baby Jude Trevor.

“Markus and I siguro are still… siyempre gusto ko kapag nagpakasal kayo, sobrang sobrang okay ang lahat. Stable ka, financially, emotionally, lahat.

“Ngayon meron pa kami siyempreng mga… we’re still learning new things about each other and how we are as parents. So hindi pa namin iniisip ‘yung, ‘Pakasal na tayo.’ Wala pa,” paliwanag ni Janella sa panayam ni Ogie Diaz sa inilabas niyang YouTube vlog recently.

Sey ni Janella, marami pa silang kailangan paghandaan ni Markus bilang magulang ni Jude bago nila pagplanuhan ang kanilang wedding.

“Siguro ever since I gave birth, lalo na ako, ‘yung atensyon ko talaga na kay Jude halos. Pero siyempre nag-uusap pa rin kami (tungkol sa kasal). 

“We’re under one roof, we’re still okay, we’re talking. Pero talagang sa parenting kami nagfo-focus,” aniya. 

Dagdag pang paliwanag ng bagong gaganap na Valentina sa TV remake ng “Darna” na pagbibidahan naman ni Jane de Leon, pinapangarap pa rin daw niya siyempre na maging legal ang pagsasama nila ni Markus.

“Ako kasi I date to marry. So if I’m dating someone, ayaw ko ‘yung… parang anong point, magde-date ka tapos you’re not trying to see if siya na talaga ‘yun?

“If he doesn’t think the same way, walang point. Parang feeling ko, we are just wasting our time kapag magde-date ka tapos hindi ‘yun ‘yung end goal mo,” katwiran pa ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Samantala, naniniwala rin si Janella na habang tumatagal ay mas nagma-mature pa sila ni Markus, “I can see naman na he’s really inspired din to be a good person. He’s a good person naman, he has a good heart. Don’t get me wrong. Pero siyempre meron pa siyang ima-mature.

“But I can see naman na he wants to grow and mature na rin. Lalo na’t feeling ko na-inspire din siya kay Jude,” sabi pa niya.

Sey pa ng aktres, habang dumaraan ang panahon ay mas marami pa siyang nadi-discover kay Markus bilang partner at bilang tatay, “Siyempre now that we’ve been staying together, marami rin akong napansin sa kanya na ugali niya, and I’m sure marami rin siyang napansin sa akin. 

“Ayaw ko naman siyang siraan, so hindi ko na ime-mention kung ano. Pero meron, may ganu’n. Pero okay naman kami. We’re okay naman,” pag-amin pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last year (January) nang ibandera nina Janella at Markus na may anak na sila. Three years na ngayong darating na March ang kanilang relasyon.

Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Janella kay Markus: Thank you for being the most amazing, hard-working, hands-on father

Janella nagpa-lipo para bumalik ang self-confidence: Best decision ever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending