Lolit Solis inalala ang 'taggutom days' nila ni Ogie Diaz habang nakatambay sa Escolta: 'Tuwang-tuwa na kami kapag naabutan ng konting ayuda' | Bandera

Lolit Solis inalala ang ‘taggutom days’ nila ni Ogie Diaz habang nakatambay sa Escolta: ‘Tuwang-tuwa na kami kapag naabutan ng konting ayuda’

Ervin Santiago |April 26,2023
facebook
share this

Lolit Solis inalala ang ‘taggutom days’ nila ni Ogie Diaz habang nakatambay sa Escolta: ‘Tuwang-tuwa na kami kapag naabutan ng konting ayuda’

Ervin Santiago - April 26, 2023 - 11:08 AM

Lolit Solis inalala ang 'taggutom days' nila ni Ogie Diaz habang nakatambay sa Escolta: 'Tuwang-tuwa na kami kapag naabutan ng konting ayuda'

Lolit Solis, Ogie Diaz at Nanay Carmen Pandaan

BINALIKAN ng talent manager at veteran entertainment columnist na si Lolit Solis ang “taggutom days” nila ng komedyante at content creator na si Ogie Diaz.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Manay Lolit ng litrato ni Ogie kasama ang yumao nitong ina kalakip ang kanyang kuwento noong palagi pa silang nagkakasama sa mga lakaran.

Nakiramay si Manay Lolit kay Ogie at sa pamilya nito na naulila ni Nanay Carmen Pandaan. Alam daw ng talent manager kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang, lalo na ng nanay.

“Pinakamasakit na yata sa lahat ang mawalan ka ng Mother, Salve. Kaya nga I honor the sadness of Ogie Diaz. Namatay ang mother ni Ogie na sure ako na masaya dahil nakita niya ang success ng kanyang anak,” simulang pagbabahagi ni Manay Lolit.


Pagbabalik-tanaw pa niya, “Naalala ko pa nuon pareho pa kaming walang kotse ni Ogie at parehong istambay ng Escolta at Avenida Rizal dahil nanduon ang mga opisina ng mga movie production.

“Iyon taggutom days namin na tuwang tuwa kami pag naabutan ng ng konting ayuda. Iyon napupuyat ka sa mga shooting para lang pag uwi mo meron konting pabuya sa pagbabantay mo sa shooting.

Baka Bet Mo: Lolit Solis pinuri ang pamilya Gonzaga, Alex nagbigay ng financial help para sa kanyang medical expenses

“Tawa kami ng tawa dahil parehong movie fan ang aming mga nanay na natutuwa pag nalaman galing kami sa shooting ni ganito at si ganuon na artista.

“Those were the days you cherished looking back dahil kahit paano na survived mo ang intriga at kung minsan harsh treatment ng showbiz,” pag-alala pa ng showbiz columnist.


Pagbabahagi pa ni Manay, “Alam namin ni Ogie Diaz na namatay ang mga nanay namin with a smile on their lips, dahil nakita nila where we are now. Sa pagda dalamhati mo Ogie alam ko na meron parte ng puso mo ang masaya dahil naibigay mo lahat ng gusto ng nanay mo.

“Naging mabuti kang anak sa kanya, at tulad ko habang nasa loob ng coffin si nanay alam mo na maligaya siyang lumisan sa mundong ito.

“Dahil buong pagmamalaki niyang masasabi, narating mo ang mga pangarap niya para sa iyo.

“Sure ako pag nagkita sila ng nanay ko, pareho silang very proud na pinag uusapan tayo. Condolences my dear Ogie, from the bottom of my heart, prayers for the soul of your beloved mother. Salute!” ang kabuuang mensahe ni Manay Lolit para kay Ogie.

Andrew Schimmer ginagamit ng mga scammer para makapanloko: Parang awa n’yo na, konting kunsensiya naman po…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Moira niresbakan ang basher na nagsabing, ‘Konting push na lang… ‘yan na ba talaga katawan mo ngayon?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending