Andrew Schimmer ginagamit ng mga scammer para makapanloko: Parang awa n'yo na, konting kunsensiya naman po... | Bandera

Andrew Schimmer ginagamit ng mga scammer para makapanloko: Parang awa n’yo na, konting kunsensiya naman po…

Ervin Santiago |January 02,2023
facebook
share this

Andrew Schimmer ginagamit ng mga scammer para makapanloko: Parang awa n’yo na, konting kunsensiya naman po…

Ervin Santiago - January 02, 2023 - 01:58 PM

Andrew Schimmer ginagamit ng mga scammer para makapanloko: Parang awa n'yo na, konting kunsensiya naman po...

Andrew Schimmer kasama ang 2 anak

ILANG araw matapos ilibing ang kanyang partner na si Jho Rovero, nagbabala si Andrew Schimmer sa publiko na mag-ingat sa mga online scammer sa social media.

Grabe talaga ang mga naglipanang sindikato ngayon sa socmed! Wala silang patawad dahil kahit namatayan na at patuloy na nagluluksa ang pamilya nina Andrew ay ginagamit pa rin nila ang mga ito para makapanloko.

Sa kanyang official Facebook account, nagbigay ng warning ang model-actor sa lahat ng kanyang socmed followers na mag-ingat sa modus ng mga scammer na gumagamit sa pangalan niya.

Pinaalalahanan niya ang mga netizens pati na ang mga kaibigan niya sa showbiz na dalawa lamang ang official at verified accounts niya sa FB.

“Parang awa nyo na po, please be aware of scammers, eto lang po ang nagiisang account ko at ang the schimmers, dalawa lang po ang verified ni fb.

“So plsss wag na wag po kayong magpapaloko. at sa mga Tao naman pong until now nang-gagamit pa rin, well konting konsensha naman po,” simulang pakiusap ni Andrew.

Dagdag pang paglalabas niya ng sama ng loob, “Hinayaan ko na ngang gamitin nyo at nakawin tong sitwashon namin sa mga channels ninyo.

“Hindi pa kayo nakuntento mang I-iscam pa kayo ng mga taong nakikiisa at nakikiramay.


“Sa mga kapatid naman po natin, konting Ingat lang po. Again, eto lang po at ang the schimmers ang natatanging account ko,” ang babala pa niya sa publiko.

Sa isa pa niyang FB post, binati naman niya ang namayapang partner na si Jho sa pagpasok ng Bagong Taon.

“Happy new year my love… midevery new year, after midnight, remember? We always drink wine together…

“When everyone is quiet and going home, it’s our own personal time, we talk and laugh about everything.  I always have a story. Karin always listen to my stories…

“Even though sometimes you are so sleepy, even though most of the time my stories are meaningless, you still insist to listen kanayou where always there my dear, to offer you ears to me.

“Well, I’m still here my love… The only difference this time is.. I’m the only one, it’s hard mommy to talk when you don’t have anyone to talk to. Your picture doesn’t answer, she’s cheating,” ang message pa ni Andrew sa namayapang asawa.

Andrew Schimmer masayang makita ang mga anak kasama ang asawa: Excited na excited sila!

Andrew Schimmer: I hate Christmas and I don’t think I will ever like it again

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Moira niresbakan ang basher na nagsabing, ‘Konting push na lang… ‘yan na ba talaga katawan mo ngayon?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending