Moira niresbakan ang basher na nagsabing, 'Konting push na lang... 'yan na ba talaga katawan mo ngayon?' Bandera

Moira niresbakan ang basher na nagsabing, ‘Konting push na lang… ‘yan na ba talaga katawan mo ngayon?’

Ervin Santiago |August 08,2022
share this

Moira niresbakan ang basher na nagsabing, ‘Konting push na lang… ‘yan na ba talaga katawan mo ngayon?’

Ervin Santiago - August 08, 2022 - 03:28 PM

Moira dela Torres

SINUPALPAL ng award-winning singer-songwriter na si Moira dela Torre ang isang netizen na nanlait sa kanyang katawan.

Hindi pinalampas ng Kapamilya performer ang pang-ookray ng nasabing body shamer at talagang pinatulan niya ito nang bonggang-bongga.

“Konting push na lang, ‘yan na ba talaga katawan mo ngayon?” ang comment ng netizen sa photoshoot ni Moira para sa isang online retailer sa Facebook.

Hirit pa nito, “Not to offend ha, Ms. Moira. Para aware ka na. You know, mga lalaki katawan din tinitingnan.”

Sa naging sagot ng singer-songwriter, ipinagdiinan niya na kung magpapapayat man siya, gagawin niya ito para sa kanyang sarili at hindi para sa isang lalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)


“At the end of the day, every person deserves someone who can love them and be faithful to them in all their phases, in every season —sickly, healthy, thin or fat.

“I hope you’re eating well and that whoever you’re with know your value and your worth whatever size you are,” mensahe pa ni Moira sa body shamer.

Kung matatandaan, matapang ding sinagot ni Moira ang isang body shamer na nasa audience habang nagko-concert siya noong 2019.

“To the rude kuya shouting ‘ang taba mo laki mo moira panget taba’ while I was performing last night… I was so tempted to look at you & give you a piece of my mind. But I didn’t want anyone feeling how you made me feel. Even you,” sey ni Moira sa kanyang Twitter post.

Dagdag pa niya, “Women are beautiful whatever size. And may I be the last person you disrespect like that.

“May you learn to love yourself enough that you won’t need to bring people down just to feel ‘funny’ or important,” pahayag pa ni Moira.

Moira ‘nagluluksa’ hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko…

Ice Seguerra naloka sa pagiging active ng ina sa socmed, nag-comment sa post tungkol sa ‘ex’

Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending