Jake Zyrus humiling ng ‘privacy’ habang nagluluksa sa pagkamatay ng lola at tiyuhin
HUMINGI ng privacy ang singer na si Jake Zyrus na kasalukuyang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay.
Pumanaw na kasi ang kanyang lola na si Teopista “Tess” Relucio noong April 3 samantalang ang kanyang tiyuhin namang si Robert Pineda ay pumanaw na rin noong April 6.
Base sa statement na ibinahagi ng ABS-CBN News mula sa talent manager ni Jake Zyrus na si Carl Cabral, hiling nila ang pagbibigay ng privacy sa pamilya ng mangangawit na nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mga kamag-anak.
“We are deeply saddened to hear about the passing of Lola Thess and Tito Obet. I am constantly communicating with one of the family members.
“This is heartbreaking time for the family and those who love them dearly. Let us help the bereaved to mourn privately,” saad ni Jake Zyrus base sa statement.
Nagpasalamat rin ito sa mga taong nagpakita ng suporta at simpatya sa kanilang pamilya.
View this post on Instagram
“We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss,” dagdag pa ni Jake.
Matatandaang naisulat na namin dito sa Bandera ang paghingi ng tulong pinansyal ni Racquel Pempengco, ina ni Jake Zyrus, para sa namayapang lolo at tito ng mangangawit.
Aniya, nais niyang humingi ng tulong sa gastusin sa burol at sa pagpapa-cremate sa dalawang kapamilya.
“Wala pang paramdam si Charice (Jake) hanggang ngayon. Need ko talaga ngayon ang tulong.”
Dagdag pa niya, “Tulungan niya sana ako at hindi ko kamayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko.”
Related Chika:
Nanay ni Jake Zyrus nagluluksa sa pagpanaw ng ina at kapatid; nanawagan ng tulong pinansiyal
Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!
Ogie Diaz binalikan ang pamba-bash na inabot dahil kay ‘Charice’: Halos patayin nila ako
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.