Ogie Diaz binalikan ang pamba-bash na inabot dahil kay 'Charice': Halos patayin nila ako | Bandera

Ogie Diaz binalikan ang pamba-bash na inabot dahil kay ‘Charice’: Halos patayin nila ako

Therese Arceo |February 23,2022
facebook
share this

Ogie Diaz binalikan ang pamba-bash na inabot dahil kay ‘Charice’: Halos patayin nila ako

Therese Arceo - February 23, 2022 - 07:31 PM

Ogie Diaz binalikan ang pamba-bash na inabot dahil kay 'Charice': Halos patayin nila ako

ISA sa mga naging topic nina Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi st Ate Mrena ang singer na si Jake Zyrus.

Dito ay napag-usapan nila ang naging viral post ng singer kung saan ibinandera nito ang kanyang topless photo bilang tanda na tanggap niya at pinapalaya na niya ang kanyang sarili.

Saad ni Mama Loi, hati raw ang opinyon ng madlang pipol sa naging pagiging matapang ni Jake sa kanyang post.

May ilan kasi na proud sa ginawa ni Jake habang ang iba naman ay naaalala pa ang dating katauhan ng singer bilang Charice Pempengco.

“Wala namang mali sa litrato dahil ‘yun ay katawan ng isang lalaki na. Hindi naman ‘yun katawan ng babae na naghubad. Nag-transition na po siya. He’s a man now,” saad ni Mama Loi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs (@jakezyrusmusic)

Sabi naman kay Ogie, “Alam mo Jake, sa puntong ito ng buhay mo ay wala ka nang dapat pang patunayan sa mga tao.”

Tinanong naman ni Mama Loi kung may chance ba na ma-interview ni Ogie si Jake Zyrus sa kanyang “Ogie Diaz” channel.

Matatandaan na noon ay nagkaroon ng hindi magandang pangyayari sa pagitan ni Ogie at si Charice.

Naisulat kasi noon ng talent manager ang kanyang mga naging obserbasyon na tila manly na raw ang nagiging kilos nito ay hinihinalang baka lesbian.

Noong mga panahong iyon ay hindi pa kasi umaamin ang singer ukol sa kanyang gender.

Marami ang nagalit sa talent manager at pinabulaan ang kanyang mga sinabi.

“Nagalit ‘yung nanay pati mga fans ni Charice dati. Talagang binengbang ako nang binengbang sa Twitter. Halos patayin nila ako tapos pina-trending pa nila,” pagbabaliktanaw ni Ogie.

Hangad naman nila na maging okay na at kalimutan na ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ibaon na natin sa limot ang nakaraan, kasi si Charice naman ‘yun. Ito naman si Jake,” sey pa ni Ogie.

Bukas naman ang talent manager na muling makapanayam ang singer dahil wala na raw sa kanya ang mga nangyari noon.

Related Chika:
Jake Zyrus: Kung akala ng iba joke lang ang pagiging transman ko, it’s not!
Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending