Kilalang aktres hindi na nga kagalingang umarte, may kagaspangan pa ang ugali, kaya hindi sumikat-sikat | Bandera

Kilalang aktres hindi na nga kagalingang umarte, may kagaspangan pa ang ugali, kaya hindi sumikat-sikat

Reggee Bonoan |April 27,2023
facebook
share this

Kilalang aktres hindi na nga kagalingang umarte, may kagaspangan pa ang ugali, kaya hindi sumikat-sikat

Reggee Bonoan - April 27, 2023 - 04:19 PM

Kilalang aktres hindi na nga kagalingan, may kagaspangan pa ang ugali, kaya hindi sumikat-sikat

Guess, guess, who!? Ma-gets n’yo kaya kung sinetch itetch?

“MASYADO siyang nagmamadali, akala naman niya kapag lumipat siya ng management company sisikat na siya. E, kung sadyang sisikat siya, e, di sana sa unang manager palang niya umabante na kaagad karera niya.”

Ito ang katwiran ng aming source tungkol sa isang aktres na nakailang beses nang nagpalit ng manager.

Una naming nakilala ang aktres sa unang manager na humawak sa kanya at dahil bago palang naman siya that time, siyempre pawang support roles lang muna ang nakukuhang project sa kanya.

Hindi nga lang kalakihan ang role pero hindi naman siya nababakante dahil talagang inilalako siya ng manager niya.

May attitude problem daw ang aktres kaya hindi lahat ng taga-production ay gusto siyang maka-work kahit pa gusto siya ng direktor at producer kung mas marami naman ang may ayaw sa kanyang staff, e, hindi rin siya kukunin.

Actually, nakita na namin ang attitude problem na ito ng aktres dahil minsan na rin namin siyang nakaengkuwentro at dahi hindi naman niya kami kilalang taga-media kaya talagang nagpakita siya ng kagaspangan ng ugali.

Sa totoo lang, napailing lang kami sa ginawa niya at alam na namin na ang ganitong ugali ay hindi kakagatin sa showbiz. Kaya siguro siya binitawan din ng una niyang manager dahil sa attitude niya.

Sa ikalawang pagkakataon ay nakahanap siya ng bagong talent agency na tila wala naman yatang naibigay na proyekto sa kanya kaya wala pa yatang isang taon ay umalis na siya.

Sa sumunod na nilipatang manager ay nabigyan siya naman siya ng marami-raming projects at hindi nga lang siya ang bida dahil marami sila pero maganda naman ang karakter niya.

Pero sa hindi malamang dahilan ay pinakawalan na ulit siya ng ikatlong manager at natagalan bago siya nagkaroon ng proyekto at mabuti na lang may product endorsements sa social media kaya kahit paano ay may balita sa kanya.

Baka Bet Mo: Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards?

Hindi rin naman kasi kagalingang umarte ang aktres kaya siguro isa rin sa dahilan kung bakit mabilis din siyang pakawalan ng ex-managers niya at kaya hindi rin nabibigyan ng lead role kahit may itsura naman.

Attitude matters most talaga pagdating sa showbiz at ikalawa na lang ang galing sa pag-arte. Kaya paano na ang aktres na ito, parehong bagsak pala ang “ratings” according sa mga nakatrabaho niya.

Sa kasalukuyan ay may kumuhang indie producer sa aktres at wala kaming balita kung ano nang nangyari sa project, kung naipalabas na sa online platform o baka naghihintay ng tamang timing para maipalabas ito sa sinehan.

“Malabong mapalabas ito sa sinehan, ‘yung mga magagandang pelikulang kasali sa Summer Metro Manila Film Festival, mahihina, ito pa kayang kay ____ (aktres) at hindi naman din kagalingan ang leading man niya,” komento ng aming source.

Teka, sino na pala ang bagong manager ngayon ng aktres?

“May kumakausap sa kanya at maraming pinababago, ewan kung magkakasundo,” tugon ng aming source.

Hirit ni Angelica bago nalamang buntis na: Napakamaldita ko, nagiging halimaw ako…iyon na pala iyon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Ogie Diaz bilang talent manager: ‘Apakahirap! Para kang buntis!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending