Hirit ni Angelica bago nalamang buntis na: Napakamaldita ko, nagiging halimaw ako...iyon na pala iyon! | Bandera

Hirit ni Angelica bago nalamang buntis na: Napakamaldita ko, nagiging halimaw ako…iyon na pala iyon!

Ervin Santiago |May 18,2022
facebook
share this

Hirit ni Angelica bago nalamang buntis na: Napakamaldita ko, nagiging halimaw ako…iyon na pala iyon!

Ervin Santiago - May 18, 2022 - 06:17 AM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

KNOWS n’yo ba na isang taon ding nag-effort at kinarir ng magdyowang Angelica Panganiban at Gregg Homan ang makabuo ng baby?

Ngunit ayon sa Kapamilya actress, palagi raw silang nabibigo sa kanilang plano ni Gregg na mabuntis siya agad.

Ibinahagi ng aktres ang ilang detalye tungkol sa kanyang pregnancy journey sa YouTube vlog ni Meryll Soriano, kabilang na nga ang mga challenges na pinagdaraanan niya ngayon.

Kuwento ni Angelica, napakarami raw talaga niyang isinakripisyo at kinalimutang gawin para lang makabuo sila ni Greg pero palagi silang nabibigo.

Pero noong last quarter daw ng 2021 ay bigla na lang daw nagbago ang ugali niya. Talaga raw naging maldita siya nang bonggang-bongga at palaging mainit ang ulo.

“Napakamaldita ko. Nagiging halimaw talaga ako. Hindi namin alam kung bakit. Iyon na pala iyon. Napakametikuloso ko sa mga bagay-bagay,” pag-amin ni Angelica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


At nang mag-pregnancy test nga siya noong pagpasok niya sa lock-in taping ng gagawin sana nilang sitcom ni Piolo Pascual (My Papa P), doon na niya nakumpirma na pregnant na siya.

Bigla nga raw siyang nagtitili nang makitang positive ang resulta ng pregnancy test na ikinagulat ng produksyon ng “My Papa P”. At kasunod nga nito, nagdesisyon agad siyang mag-resign sa nasabing project.

“Pumunta lang ako sa set, umihi tapos umalis din. Kapapasok ko lang. Napaka-diva ng anak ko, di ba? Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko,” natatawa pang sey ni Angge.

Simula raw nang magbuntis siya ay panay-panay ang ginagawa niyang pagri-research tungkol sa pagdadalang-tao. Super read daw siya ng mga libro at watch din siya ng mga video sa You Tube.

“Totoo yung term na nakaka-overwhelm everyday. Gusto ko siyempreng matuto on my own. Sure naman ako na marami akong matutunan,” aniya pa.

Naloloka rin daw siya sa mga nababasa niya sa internet tungkol sa mga pinaggagawa at pinagsasabi niya noong kabataan niya sa mga interview.

“Diyos ko! Pag na-research ‘to ng anak ko, maibabalik sa akin ‘yung mga pagkakamali ko nu’n. Kailangan ko na lang magawan ng paraan ito para maging positive ito sa kanya,” ang humahalakhak na chika ni Angelica.

Samantala, hindi rin masabi ni Angge kung makakabalik siya agad sa showbiz kapag nanganak na siya, “Hindi ko nga alam kung makakabalik ako sa work. Tulad nga ng sinabi ko kanina na ‘kaya ko bang umalis!’

“Hindi ko maiwan ‘to. Isa iyun sa malaking malaking pagbabago. Talagang magiging pihikan ka talaga sa mga trabaho.

“Ano ang magiging kasing worthy ng time mo, ng moment mo na kasama ang anak mo, para iwan mo siya at gawin mo ‘tong project na ‘to.

“I’m sure mami-miss ko, mami-miss ako ng mga tao. Mami-miss ko talaga. Ngayon pa lang nami-miss ko na e. Pero hindi e. Iba, e. Matagal ko ‘tong hinintay e.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala akong tanging pangarap sa buhay ko kundi magkaroon ng sarili kong pamilya,” tuluy-tuloy na chika ni Angelica.

Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending