Aktres na sikat noong '80s may attitude problem; feeling magaling pero puro pa-cute lang ang alam | Bandera

Aktres na sikat noong ’80s may attitude problem; feeling magaling pero puro pa-cute lang ang alam

Reggee Bonoan |November 04,2021
facebook
share this

Aktres na sikat noong ’80s may attitude problem; feeling magaling pero puro pa-cute lang ang alam

Reggee Bonoan - November 04, 2021 - 03:37 PM

HINDI namin inakalang may attitude problem pala ang aktres na super sikat noong kapanahunan niya, mga ’80s siguro ‘yun at kapartner niya ang super sikat ding aktor noon na sa kalaunan ay naging karelasyon niya.

Ilang beses kasi naming nakakapanayam na ang aktres noong wala pang pandemic at maayos namang kausap at sobrang nami-miss daw niyang umarte kaya siya bumalik.

Pansamantala kasi siyang huminto dahil inuna niya ang maging ideal mom and wife at nang puwede na niyang iwanan ang anak sa mga kasama nila sa bahay ay saka siya nagbalik showbiz.

May mga project naman si aktres pero hindi na siya ang bida puro supporting roles na lang, e, kasi marami nang sumulpot na bagong artista na mas bata sa kanya at bagay maging lead.

Tila kinuwestiyon iyon ng aktres dahil bakit daw ang isang kilalang aktres na hindi naman sila nagkakalayo ng edad ay nakakuha ng lead role.

Katwiran ng bossing ng show na kasama siya ay ang direktor mismo ang pumili kasi bagay ang role at higit sa lahat, nabigyan niya ng justice ang karakter niya.

At dahil feeling ng aktres ay mas meaty ang role ng kilalang aktres sa kanya kaya nagpapapansin siya, kapag tinatawag na siya para kukunan na ang mga eksena niya ay hindi agad siya lumalabas dahil nagme-make up pa siya na ilang beses nangyari gayun sinabihan siyang agahan dahil naghahabol sila ng oras kasi nga naka lock-in taping sila.

May make-up artist naman ang production pero inarte ang aktres at pinakikialaman ang make-up niya.

“Nagsusungit siya, inaaway niya ang make-up artist tapos kung makapag-utos sa mga PA (personal assistant) at utility akala mo pasuweldo niya, dinaig pa niya ang direktor at mga bida sa show.

“Naghihitad ang lola mo, feeling sikat pa, e, hindi nga maka-memorya ng linya, ilang beses naka-cut,” kuwento ng taga-production.

Tinanong namin kung importante ang karakter niya sa serye, “Oo, pero alam mo naman sa serye di ba, kapag nagalit si direk, anytime pdeng ipabago ang kuwento.  E, mataray din ang mga direktor pinagpapasensiyahan lang siya.  Malapit na nga siyang buminggo, eh.”

Dagdag pa, “akala mo naman kagaling-galing umarte, e, walay na ‘no!  Tapos na ang kasikatan niya na puro emote-emote at pa-cute lang alam.”

At dahil diyan ay tsinek namin kung may acting awards na siyang nakuha at susme wala pa palang 10 siyang na-nominate sa mga naging pelikula niya noong araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantalang ang kinukuwestiyon niyang kilalang aktres ay kaliwa’t kanan ang acting awards at maraming beses na na-nominate.

So, alam na kung bakit mas binigyan ng mabigat na role ang kilalang aktres kaysa sa may attitude problem na aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending