Melai Cantiveros super happy nang makita ang pamilya ni Angge: Ang gagandang humans!
TUWANG-TUWA ang TV host-comedienne na si Melai Cantiveros nang makita niya sa personal si Angelica Panganiban kasama sina Gregg Homan at Baby Bean.
Sa kanyang Instagram ay ibinandera ng “Magandang Buhay” host ang video niya kung saan makikitang nilalaro at kinakantahan nila ni Angge si Baby Bean habang hawak hawak ni Gregg.
Kuha ang video at mga pictures sa hallway ng ELJ Building sa ABS-CBN.
“Hay [salamat] nakita kona narin live na live ang ‘Homans Family’ totoong Humans tlaga sila ang [gagandang] humans,” saad ni Melai sa caption.
Pagpapatuloy pa ng komedyana, “Nice seeing you Twinny One @iamangelicap may xerox copy ka narin sa wakas twinny [heart emoji] hello sir @gregg_homan and Baby Amila.”
Makikitang sumagot naman si Angelica sa post ni Melai at sinabing, “Ang saya twinny one.”
Tila hindi naman naka-get over ang TV host sa pagkakita sa pamilya Homan at lalo na sa cuteness ni Baby Bean.
Baka Bet Mo: Banat ni Melai Cantiveros sa bashers na tumawag sa kanya ng ‘panget’ at ‘mukhang anito’: ‘Mean ba ‘to o totoo?’
“Grabe twinny buyaaag paka ganda ni baby amila ui,” sey niya.
Pangungulit pa ni Melai kina Angge at Greg, “dagdagan na yan! Dagdagan na yan. Ang ganda ng lahi twinny one.”
Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa ibinahaging post ng “Magandang Buhay” host lalong lalo na sa witty caption nito.
“Hahaha, katuwa talaga si Miss Melai, sana magka collab kayo sa vlogs,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Kitang kita kay Angelica na ang saya saya ng buhay nya now. Happy for her.”
Hirit pa ng isa, “Grabe naman ‘yung totoong humans [laughing emoji] natawa ako momshie melai.”
Related Chika:
Melai naglabas na ‘resibo’ na magkasama pa rin sila ni Jason: ‘Hayan na po ang hinahanap n’yo, buhay na buhay…walang kahit anong sugat’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.