DepEd pinapayagan ang mga eskwelahan na magsuspinde ng klase dahil sa init | Bandera

DepEd pinapayagan ang mga eskwelahan na magsuspinde ng klase dahil sa init

Pauline del Rosario - April 23, 2023 - 05:23 PM

DepEd pinapayagan ang mga eskwelahan na magsuspinde ng klase dahil sa init

PHOTO: Facebook/Navotas LGU

BINIBIGYAN na ng kapangyarihan ang mga paaralan na magkansela ng face-to-face classes dahil sa napakainit na panahon na nararanasan sa ating bansa.

Ang pahintulot na ‘yan ay utos na mismo ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Spokesperson na si Michael Poa, nauna na nilang inabisuhan ang mga principal at school head tungkol dito.

Aniya, may awtoridad silang gawing alternative delivery modes (ADM) ang in-person classes sakaling nakakaramdam na ng sobrang init at lalo na kung nakakaapekto na ang panahon sa kalusugan ng mga estudyante at guro.

“We also don’t want our learners’ health to be affected especially with the very hot temperature we are experiencing, which is why we are again reminding our school heads that they can immediately switch to ADMs,” giit ng tagapagsalita.

Dahil sa panahon din ngayon ay nanawagan na ang chairperson ng Senate Committee on Basic Education na si Senador Sherwin Gatchalian sa national government na ibalik ang dating school calendar na kung saan ay nasa buwan ng April hanggang May ang summer vacation ng mga bata.

Noong April 22 lamang ay naitala ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila na nasa 36.2 degrees Celsius.

Mas mainit ‘yan sa 32°C na na-record sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Noong Marso lamang ay inanunsyo ng PAGASA ang pagsisimula ng “dry season” o panahon ng tag-init sa Pilipinas.

Ayon pa sa nasabing ahensya, ang kasalukuyang panahon ay mananatili hanggang sa Mayo.

Related Chika:

Pagsugpo sa mga pang-aabuso sa paaralan pinaigting, DepEd naglunsad ng ‘helpline’

Bagong collab ng Ben&Ben at SB19 matindi ang ipinaglalaban: Huwag n’yong tapakan ang katarungan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miguel Tanfelix sa pagiging leader ng Voltes V: Sobrang nape-pressure ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending