Miguel Tanfelix sa pagiging leader ng Voltes V: Sobrang nape-pressure ako! | Bandera

Miguel Tanfelix sa pagiging leader ng Voltes V: Sobrang nape-pressure ako!

Ervin Santiago - April 11, 2021 - 09:54 AM

NAPAKAINIT ng pagtanggap ng mga Kapuso viewers sa tambalang Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara sa Kapuso mini-series na “I Can See You: #Future”.

Nagtapos na ito last Friday at talagang tinutukan ng kanilang mga tagasuporta ang ending nito kaya naman napasama uli ito sa mga programang nasa top trending topic sa Twitter.

In fairness, talagang todo-kilig ang KyGuel fans na makita ang dalawang Kapuso stars na magkasama muli sa isang proyekto matapos ang mahabang panahon.

At dahil nabitin nga sila sa pakilig ng magka-loveteam sa “I Can See You” humihirit ang mga fans na bigyan na sila ng sariling teleserye at maging official screen partners na ng GMA.

Samantala, isa si Miguel sa mga Kapuso stars na tuluy-tuloy lang ang trabaho kahit may pandemya kaya masasabing napakaswerte niyang artista dahil hindi niya pinoproblema ang kawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pagkatapos ng “I Can See You”, mapapanood na rin very soon ang pinakaaabangang live action version ng anime series na “Voltes V: Legacy”.

Si Miguel ang napiling gumanap sa lead character dito bilang leader ng Voltes V na si Steve Armstrong. Inamin naman ng binata na magkahalong nerbiyos, takot at excitement ang nararamdaman niya ngayon sa matinding expectations ng GMA at ng manonood sa kanya.

“Honestly, nape-pressure ako. Ngayon ko lang sasabihin ito sa media,” sabi ng aktor.

Pero aniya, “Ang daming nagsasabi sa akin na huwag ako ma-pressure, isa na diyan si Direk Dom (Dominic Zapata) kasi hindi ka nila kukunin ng walang dahilan.”

“Pressured ako pero I’m really happy na may ganitong project and everyday gumigising ako I feel very pumped na may bago akong ginagawa, lagi akong may pinaghahandaan na bagong character,” dugtong pa ng Kapuso heartthrob.

Aniya pa, ang “Voltes V” na ang biggest break na natanggap niya mula sa GMA, “Hindi lang siya basta character, malaking character siya. First time ko magiging leader. Lagi akong inferior sa mga naunang characters ko kaya I’m really excited.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending