DepEd: Bawal maging ‘friends’ ang guro, estudyante sa labas ng klase
NAGLABAS ng bagong kautusan ang Department of Education (DepEd) para sa mga teaching at non-teaching personnel upang mapanatili ang pagiging “propesyunalismo.”
Partikular na riyan ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng mga guro at estudyante sa labas ng klase.
Pinirmahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang DepEd Order 49 noong November 2.
At nakalahad diyan na bukod sa bawal mag-usap ang mga guro at estudyante sa labas ng klase ay hindi rin sila pwedeng mag-follow sa social media.
“Avoid relationships, interaction, and communication, including following social media with learners outside of the school setting, except if they are relatives,” lahad sa bagong kautusan.
Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Duterte na ipinatupad nila ito para maiwasan ang magiging problema sa eskwelahan.
“As a teacher, mayroon talagang line between him or her and the learner. Dapat hindi sila magkaroon ng friendly relations with their learners outside of the learning institution setting dahil nagkakaroon ng bias ‘yung isang tao kapag nagiging kaibigan na niya,” aniya.
Nilabas ang nasabing kautusan kasabay ng imbestigasyon sa ilang guro na sangkot umano sa mga kaso ng sexual harassment laban sa mga mag-aaral.
Sabi ni Duterte, “This is one of the incidents we have seen, recent incidents, of our teachers going out with their students and they’re involved in, should we say, criminal, not really criminal activities, but they are involved in crime.
“It’s either they become suspects or victims.”
Kasalukuyang sinuspinde ang mga guro na sangkot sa sexual harassment at tiniyak ni Duterte na patuloy nilang tinutulungan ang mga estudyanteng nagsampa ng reklamo.
Nilinaw rin ni ng bise presidente na posible pa ring maging magkaibigan ang mga guro at estudyante kung ito’y nasa loob lamang ng kanilang classroom.
Read more:
Bongbong Marcos siniguro ang mabilis na aksyon sa mga biktima ng magnitude 7 earthquake
69 anyos na lola naka-graduate na sa kolehiyo, guro na rin gaya ng 2 anak
3-year-old kikay kid viral na dahil sa paandar na ‘Makeup Tutorial’ sa TikTok
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.