69 anyos na lola naka-graduate na sa kolehiyo, guro na rin gaya ng 2 anak | Bandera

69 anyos na lola naka-graduate na sa kolehiyo, guro na rin gaya ng 2 anak

Therese Arceo |July 12,2022
facebook
share this

69 anyos na lola naka-graduate na sa kolehiyo, guro na rin gaya ng 2 anak

Therese Arceo - July 12, 2022 - 08:21 PM

69 anyos na lola naka-graduate na sa kolehiyo, guro na rin gaya ng 2 anak

LABIS ang saya ng 69 anyos na lola na si Deus Teodora Lorenzo o Nanay Doring nang finally ay makakapagtapos na siya ng pag-aaral.

Talaga namang pinatunayan ng 69 anyos na lola na hindi hadlang ang edad para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Base sa Facebook post ng anak ni Nanay Doring na si Leslie Irang, nagtapos ang kanyang ina sa kursong Bachelor of Technical Vocational Teacher Education.

Pagkukwento niya, humiling daw sa kanilang magkapatid ang inang na nais nitong mag-aral at tapusin ang kanyang high school.

“6 years ago, she expressed to my sister and me her dream of pursuing her Secondary Education, more than 50 years after her Grade 6 graduation. We supported her!” pagbabahagi ni Leslie.

Taong 2018 nang natupad na ang pangarap ni Nanay Doring na makapagtapos siya ng high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS.

Mukhang hindi pa rito nagtatapos ang pagkamit ni lola ng kanyang mga pangarap kaya naman itinuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo.

Kumuha si Nanay Doring ng kurso sa Edukasyon at matapos nga ng apat na taong pag-aaral ay nagbunga na ang kanyang pagsusumikap at paghihirap dahil ngayong buwan ay nagtapos na ito ng kolehiyo.

At gaya nga ng pangako ni Leslie sa kanyang ina, umuwi siya ng Pilipinas mula sa Indonesia para personal na masaksihan at masamahan si Nanay Doring na tanggapin ang diploma nitong matagal niyang inasam.

“We are proud of you nanay! As promised, I am here at the PICC,” saad ni Leslie.

Dagdag pa niya, “You have been an inspiration to us since we were young! Your determination to pursue your dream of graduating from College is indeed inspiring! Thank you for teaching us not to give up on our dreams!”

Magkatuwang na sinuportahan nina Leslie at ng isa pa niyang kapatid na babae ang pag-aaral ng kanilang ina.

Payo naman ni Leslie sa iba pang nangangarap na mag-aral at makapagtapos ngunit natatakot dahil sa tingin nila ay masyado na silang matanda para magbalik paaralan, “Chase your dreams just like what our mom did! Age matters not in terms of success!”

Sa ngayon ay guro na si Nanay Doring gaya ng dalawa niyang anak na babae.

Other stories:
Cassy proud working student, nag-aaral habang nasa lock-in taping: Stressful but fun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn 2 kurso ang pinagpipilian sa college: Unang dream ko talaga maging makeup artist

Maymay kakaririn ang pag-aaral sa Canada: Ang buhay ko po rito ay masayang-masaya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending