Barbie idinamay ng netizens sa 'bad decision' post ni Suzette Doctolero: 'Walang kinalaman sa kahit sinong artista ang eme post ko' | Bandera

Barbie idinamay ng netizens sa ‘bad decision’ post ni Suzette Doctolero: ‘Walang kinalaman sa kahit sinong artista ang eme post ko’

Ervin Santiago |April 18,2023
facebook
share this

Barbie idinamay ng netizens sa ‘bad decision’ post ni Suzette Doctolero: ‘Walang kinalaman sa kahit sinong artista ang eme post ko’

Ervin Santiago - April 18, 2023 - 07:06 AM

Barbie idinamay ng netizens sa 'bad decision' post ni Suzette Doctolero: 'Walang kinalaman sa kahit sinong artista ang eme post ko'

Barbie Forteza at Suzette Doctolero

NADAMAY ang walang kamalay-malay na Kapuso actress na si Barbie Forteza sa cryptic post ng GMA headwriter na si Suzette Doctolero sa social media.

Walang binanggit si Suzette sa maintriga niyang tweet tungkol sa mga “bad decision” na karaniwang nauuwi sa kanegahan at kapalpakan.

Maraming netizens ang na-curious kung sino nga ba ang pinatatamaan ng Kapuso scriptwriter sa kanyang makahulugang tweet nitong nagdaang Linggo, April 16.

“Kapag talaga ang ugat ay bad decisions, sunod-sunod na palpak, o unpleasant results and/or disastrous consequences ang kalalabasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“If our decision is wrong, madalas rin pagsisihan natin sa maraming dahilan,” ang simulang pahayag ng veteran TV writer.

Pagpapatuloy pa niya, “People make bad or poor decisions out of greed, blind or misguided ambition and selfishness kaya daming bad repurcussions.

Baka Bet Mo: Suzette Doctolero kay Andoy Ranay: GMA lang po ang gumagawa ng matatapang na kwento

“But better decisions (based on values, intuition, good heart) leads to better results,” aniya pa.

At kahit walang nabanggit na pangalan si Suzette, may mga netizens ang nagsabing baka raw para ito kay Barbie na sikat na sikat ngayon dahil sa tagumpay ng serye nilang “Maria Clara at Ibarra.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


May kumalat kasing tsismis na inayawan umano ni Barbie ang ilang projects na pagsasamahan uli nila ni David Licauco para protektahan ang relasyon nila ni Jak Roberto.

Kasunod nito, mukhang nakarating na kay Suzette ang mga comments ng fans na nag-uugnay kay Barbie sa kanyang cryptic tweet. Mariin niyang itinanggi na may artista siyang pinariringgan sa kanyang post.

“Luh, walang kinalaman sa kahit sinong artista ang bad decisions eme post ko,” ang pahayag ni Suzette.

Dagdag pa niya, “Wag kasing paniwalaan ang tsismis ng mga tsismoso na minsan o madalas ay kuryente ang mga eme. Ayan, akala nyo tuloy sa artista yun.”

Sabi pa ng scriptwriter, tuloy pa rin ang gagawing project nina Barbie at David, at sa katunayan siya mismo ang magsusulat ng kuwento nito.

Bagong hugot song ni Moira dela Torre trending, reaksyon ng fans: Level up ang gigil at sakit!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suzette Doctolero naging instant fan ni Andrea: Hindi lang siya katawan, may puso, talino at husay ang babae!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending