Suzette Doctolero naging instant fan ni Andrea: Hindi lang siya katawan, may puso, talino at husay ang babae! | Bandera

Suzette Doctolero naging instant fan ni Andrea: Hindi lang siya katawan, may puso, talino at husay ang babae!

Ervin Santiago |August 31,2021
facebook
share this

Suzette Doctolero naging instant fan ni Andrea: Hindi lang siya katawan, may puso, talino at husay ang babae!

Ervin Santiago - August 31, 2021 - 08:46 AM

Suzette Doctolero at Andrea Torres

GRABE ang paghanga at mga binitiwang papuri ng controversial Kapuso scriptwriter na si Suzette Doctolero para sa sexy actress na si Andrea Torres. 

Isa ang dalaga sa mga lead stars ng GMA Telebabad series na “Legal Wives” kasama ang Kapuso Drama Prince na si Dennis Trillo together with Alice Dixson at Bianca Umali. 

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ni Suzette (head writer ng Legal Wives) sa buong mundo na isa na siyang certified fan ngayon ni Andrea dahil hindi lang daw magaling na artista ang dalaga kundi napakabuting tao pa super professional pagdating sa trabaho 

“Napanood ko na nang dalawang beses ang ep(isode) ng Legal Wives kagabi. Ang pagkikita ng dalawang Misis. Naging fan ako bigla ni Andrea Torres dahil sa LW,” simulang mensahe ni Suzette sa kanyang FB post.

Sabi ng writer, ilang beses na niyang napatunayan ang pagiging mabuting tao ng aktres at naniniwala siya na marami pang pwedeng ipakita at ipagmalaki si Andrea pagdating sa pagiging artista.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang sarap panoorin ng mga nuances na ibinibigay niya sa role niya. Hindi lang siya magaling na artista, napakabuting babae pa.

“Sa loob ng apat na lock in taping (na kasama ako, isa ang hindi) ay naobserbahan ko siya: always smiling at palabati sa lahat (may katungkulan man o wala), kapag rest day ay nagbabasa ng libro, pili ang salita pero may laman, dumarating rin sa set na kabisado na ang linya,” lahad pa ng GMA writer.

Aniya pa, “Nakakwentuhan ko rin nang ilang beses kaya alam ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya. 

“Masunurin din sa magulang, generous na ate. Pinalaking may strong sense of values. May sense kausap at malalim,” papuri pa niya sa ex-girlfriend ni Derek Ramsay.

Sa huling bahagi ng kanyang post, ipinagdiinan ni Suzette na hindi lang basta maganda at sexy si Andrea, “Yes, hindi lang siya katawan. May puso, talino at husay ang babae.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending