Miss Universe 2012 Olivia Culpo engaged na sa dyowang football star na si Christian McCaffrey: 'I'm marrying my best friend' | Bandera

Miss Universe 2012 Olivia Culpo engaged na sa dyowang football star na si Christian McCaffrey: ‘I’m marrying my best friend’

Ervin Santiago |April 09,2023
facebook
share this

Miss Universe 2012 Olivia Culpo engaged na sa dyowang football star na si Christian McCaffrey: ‘I’m marrying my best friend’

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 03:26 PM

Miss Universe 2012 Olivia Culpo engaged na sa dyowang football star na si Christian McCaffrey: 'I'm marrying my best friend'

Olivia Culpo at Christian McCaffrey

ENGAGED na si Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa kanyang boyfriend na si National Football League star Christian McCaffrey.

Sa kanyang Instagram page ibinandera ng dating beauty queen mula sa Amerika ang mga black and white photos na kuha sa ginawang marriage proposal ni Christian.

Ipinost din ng American football player ang mga nasabing litrato sa kanyang IG account kung saan makikita nga ang binata na nakaluhod sa harap ni Olivia bitbit ang kanilang engagement ring.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Olivia Frances Culpo (@oliviaculpo)


Kitang-kita naman sa naturang litrato ang pagkabigla at sobrang kaligayahan ng former Miss Universe. May litrato ring ipinost si Olivia kung saan kitang-kita ang kumikinang na singising na isinuot sa kanya ni Christian.

Baka Bet Mo: ‘Sumpa’ ng Miss Universe PH crown wa epek kay Celeste Cortesi; feeling lucky sa dyowang football player

Base sa caption ng newly-engaged couple, naganap ang proposal noon pang April 2 ngunit kahapon lamang nila ito isinapubliko.

“We tried to keep this quiet for as long as possible, but word travels fast. I’m marrying my best friend. I love you so much, fiancé,” ang pahayag ni Olivia sa isa niyang Instagram Stories.

Ilan sa mga nag-congratulate kina Olivia at Christian ay sina Pia Wurtzbach, Kelsey Merritt, Gigi Hadid at Demi Lovato.

Taong 2019 nagsimula ang love story ng engaged couple. Wala pang binanggit ang dalawa kung kailan at saan gaganapin ang kanilang wedding.

KC gustong mag-host ng Miss Universe: Sana nga ikaw na lang kesa kay Olivia Culpo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Steve Harvey, Olivia Culpo trending sa socmed habang ginaganap ang 2020 Miss U

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending