Miles Morales ng animated film na ‘Spider-man’ may bagong kapalaran na tatahakin | Bandera

Miles Morales ng animated film na ‘Spider-man’ may bagong kapalaran na tatahakin

Pauline del Rosario - April 08, 2023 - 03:50 PM

Miles Morales ng animated film na ‘Spider-man’ may bagong kapalaran na tatahakin

PHOTO: Courtesy Columbia PIctures

NAGLABAS ng bagong trailer ang animated film na “Spider-Man: Across the Spider-Verse.”

Ang upcoming movie ay iikot sa bagong pagsubok ng bida na si Miles Morales na kung saan ay makakaharap at makakalaban niya ang iba pang bersyon ng Spider-man mula sa iba’t-ibang dimensyon.

Sa trailer na inilabas sa YouTube channel ng Columbia Picture Philippines, mapapanood na naglakbay si Miles sa iba’t ibang mga Multiverse matapos siyang puntahan ni Gwen Stacy, ang nag-iisang Spider-woman sa spider-verse.

Si Miles ay binigyan buhay ng boses ng American actor na si Shameik Moore, habang si Gwen Stacy ay bobosesan ng international singer-actress na si Hailee Steinfeld.

Kabilang sa iba pang mga miyembro ng cast ay sina Jake Johnson, Issa Rae, Daniel Kaluuya, Jason Schwartzman, Brian Tyree Henry, Luna Lauren Velez, Greta Lee, Rachel Dratch, Jorma Taccone, Shea Whigham at Oscar Isaac.

Ang “Spider-Man: Across the Spider-Verse,” na batay sa MARVEL Comic Books ay mula sa direksyon nina Joaquim Dos Santos, Kemp Powers at Justin K. Thompson.

Ang animated film ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa May 31.

Related Chika:

‘Blue Beetle’ ang bagong superhero ng DC comics, first time na bibida ang isang Latino

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Margot Robbie, Ryan Gosling magtatambal sa live-action film ng ‘Barbie’

True story ng paring exorcist sa Vatican magpapakilabot sa pelikulang ‘The Pope’s Exorcist’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending