Spider-man may bagong animated film; Hollywood film na ‘65’ nagpanerbiyos sa trailer
PAGDATING ng taong 2023, may bagong makakalaban ang sikat na Marvel superhero na si Spider-man!
Ipinakita ‘yan ng Columbia Pictures sa inilabas na bagong trailer para sa bagong kabanata ng Oscar-winning saga ng “Spider-Verse.”
Ang bagong animated film ay pinamagatang “Spider-man: Across the Spider-verse.”
Bida ulit diyan ang karakter ni Miles Morales.
Mapapanood sa trailer ng nasabing pelikula na makakasama ni Miles ang ilang bersyon ng Spider-man mula sa iba’t-ibang dimensyon.
Kabilang na riyan si Gwen Stacey, ang nag-iisang Spider-woman sa spider-verse.
***
Samantala, mala-’Jurassic Park’ naman ang tema ng bagong action thriller film na may titulong “65” na ipapalabas din sa susunod na taon.
Tiyak na marami ang mag-aabang nito dahil ang bumuo sa pelikula ay mga manunulat at producers mula sa blockbuster film na “A Quiet Place.”
Bida sa “65” ang American actor na si Adam Driver na ginagampanan ang karakter bilang piloto.
Kasama rin niya ang Hollywood child actress na si Ariana Greenblatt na isa sa mga pasahero ni Adam sa pelikula.
Sa pasilip na nilabas ngayong December 15, mapapanood na tinamaan ng isang malaking asteroid ang ship na minamaneho ni Adam at sinasakyan ni Ariana.
Makikita na dahil sa aksidente ay napunta sila sa planetang Earth na tirahan ng iba’t-ibang prehistoric creatures o dinosaurs.
At kaya pala “65” ang title nito dahil ang setting ng pelikula ay 65 million years ago.
Related chika:
‘Transformers’ magbabalik pelikula na, mga bagong karakter ipinakilala sa trailer
Channing Tatum muling magpapainit sa finale ng ‘Magic Mike’, naglabas na ng trailer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.