PAGASA: LPA asahang papasok sa bansa, pero hindi magdadala ng ulan | Bandera

PAGASA: LPA asahang papasok sa bansa, pero hindi magdadala ng ulan

Pauline del Rosario - April 08, 2023 - 03:02 PM

PAGASA: LPA asahang papasok sa bansa, pero hindi magdadala ng ulan

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

BINABANTAYAN mabuti ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng bansa.

Base sa forecast ng weather bureau, posible itong pumasok ng ating area of responsibility ngayong Linggo (April 9).

Bagamat inaasahan daw na hindi pa ito magiging bagyo at wala magiging epekto sa ating bansa.

“Patuloy ang monitoring sa Low Pressure Area na huling namataan sa layong 1,455 kilometers sa may silangan ng Northeastern Mindanao,” sey ni Weather Forecaster Patrick Del Mundo sa press briefing.

Dagdag niya, “Ito ay nasa labas pa rin ng ating PAR sa ngayon at mababa pa rin ‘yung tsansa na maging isang bagyo in the next 24 hours.”

“Inaasahan itong Low Pressure Area na papasok sa ating PAR pagdating naman ng araw ng Linggo ngunit wala pa namang direktang epekto sa anumang bahagi ng ating kalupaan,” aniya pa.

Baka Bet Mo: PAGASA may bagong instrumento upang ma-monitor ang dami ng ulan

Sa kasalukuyan, ang tinatawag na “Northeasterly Surface Windflow” ang umiiral na weather system sa bansa.

Dahil diyan ay asahan ang maulap na kalangitan at konting pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela at Apayao.

Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa “Trough” o buntot ng LPA ang Eastern Visayas, Sorsogon at Masbate.

May panaka-nakang pag-ulan naman sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Knows n’yo na ba kung paano maiiwasan ang ‘heatstroke’ lalo na ngayong tag-init?

Tag-init na panahon nagsimula na, inaasahang tatagal hanggang May –PAGASA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending