Bitoy nambudol, hinuli ang ‘caption skimmers’ sa ginawang social experiment
HULING-HULI sa latest social media post ng comedian-actor na si Michael V o Bitoy ang mga taong tinatawag na “caption skimmers” o kaya naman ay “caption non-readers.”
Sila ang mga tao na hindi binabasa nang buo o hindi binibigyang-pansin ang mga captions o mga teksto na kasama sa isang post at mas nakatuon lamang sa mga larawan, video, o mga graphic na nakalagay.
Kasabay ng April Fool’s day, ibinandera ni Bitoy ang kanyang social experiment sa Instagram na kung saan ay makikita sa litrato ang isang breaking news na magkakaroon umano siya ng role sa Marvel Cinematic Universe (MCU).
Panimula pa ng kanyang caption, “Sino ba naman ang hindi nangangarap na makasama sa mga ganitong project? Lahat ng mga celebrities, local or foreign, gustong maging part ng ganito kalaking franchise! Sadly, for most of us (myself included), pangarap pa rin s’ya hanggang ngayon,” dagdag niya.
Pagpapatuloy pa niya, “Same date nu’ng April last year may post ako na related dito pero maraming hindi naka-gets and I’m sure may ibang hindi pa rin maiintindihan until they read this part.”
Mapapansin na sadyang hinabaan ng komedyante ang umpisa ng kanyang IG caption upang mapaniwala na tunay ang nakasulat sa kanyang picture at sa bandang huli ay inamin niyang isa itong social experiment.
“I really believe that social media is a tool not just to promote good things but to do social experiments as well so if you made it this far, CONGRATULATIONS!,” sey ni Bitoy.
Paliwang niya, “Alam kong marami ang hindi magbabasa ng ganito kahabang caption kaya marami na naman akong mabubudol.”
Aniya,“It’s April Fools and MCU means ‘Marginally Controversial Ululan’…Sa mga umabot dito, have fun reading the comments! I’m sure marami ang magko-congratulate sa akin na hindi nagbasa kaya palakpakan natin sila!”
View this post on Instagram
Mapapansin sa comment section na may mga hindi nga nagbabasa, pero mas marami pa rin ang tinapos na basahin ang caption.
Narito ang kanilang mga komento:
“I love reading long caption. Kaya sorry Bitoy, di mo ko nadale dun! [laughing face emoji]”
“Muntik mabudol ni bitoy [laughing face emoji] Buti na lang mahilig ako magbasa [laughing face emoji].”
“Muntik na kitang i-congratulate idol bitoy [laughing face emoji].”
Related Chika:
Bea Alonzo nagpaka-’fangirl’ kay Michael V: Nakilala ko na sa personal si Bitoy!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.