Raquel Pempengco hindi raw maka-move on, may bagong banat sa socmed: Thanks to all of my bashers | Bandera

Raquel Pempengco hindi raw maka-move on, may bagong banat sa socmed: Thanks to all of my bashers

Therese Arceo |March 29,2023
facebook
share this

Raquel Pempengco hindi raw maka-move on, may bagong banat sa socmed: Thanks to all of my bashers

Therese Arceo - March 29, 2023 - 05:45 PM

Raquel Pempengco hindi raw maka-move on, may bagong banat sa socmed: Thanks to all of my bashers
TILA ayaw magpaawat ng ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco at tuwang-tuwa pa sa natatanggap na pangba-bash mula sa madlang pipol.

Ito ay matapos niyang magbigay ng pahayag hinggil sa nagdaang concert ng Canadian composer na si David Foster na ginanap sa The Theater, Solaire Resort and Casino noong March 21 hanggang March 26.

Muli na namang nagpatutsada si Raquel sa kanyang Facebook account kung saan ibinahagi niya ang video kung saan ipinagkukumpara ang naging performance ni Morisette sa naging performance noon ng kanyang anak na si Charice.

May pa-disclaimer pa nga ito na hindi siya ang may gawa ng video at ibinabahagi niya lang ito sa kanyang account.

“See all the comments there…baka sabihin ako lang ang bitter at di mka move on…were just talking and comparing the past and the present there…no hate and discrimination,” saad ni Raquel.

Dagdag pa ng ina ni Jake, “[Their] opinions and comments are base on what they hear and watch…”

Nagpasalamat pa nga si Raquel sa mga bashers dahil ito ang dahilan kung bakit trending siya ngayon.

“Anyway…Thanks to all my BASHERS at trending ako ngayon,” hirit pa niya.

Baka Bet Mo:  Raquel Pempengco naglabas ng hinanakit kay Jake Zyrus: Sobrang sakit po pero hindi dahil sa pera…

Sa comment section naman ay makikitang may mga sang-ayon at di sang-ayon sa kanya.

“Haha mommy Raqz Raquel Relucio Pempengco gulat ako, trending ka nga now. Kaya pala dami lumabas sa newsfeed ko. Tapos nakita ko pa ung article sa bandera news. Ito pala ung dahilan. Napasearch tuloy ako kung ano meron,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “grabe naman nag compare nito sa totoo lang may sariling galing si mori pero charice kahit pagsamasamahin mo pa yung mga halimaw na singer ibang iba ang tunog ni charice di masakit sa tenga soulful makakaramdam ka ng intense excitement.”

“dapat maging happy nalang po tayo na nirerecognize nila ang mga filipino singers.. No need to compare…. Yes charice is the most legendary singer na tumatak sa buong mundo..No need to compare them be proud nlng po just saying,,no hate,” sey naman ng isa.

Sinagot naman ito ni Raquel at sinabing wala namang hate sa kanyang post kinukumpara lang raw kung sino ang gumawa ng “best rendition” ng kanta.

“Were just talking about the way they sing…the old charice and mor…but no hate there…there just comparing who do the best rendition,” sabi ng ina ni Jake.

Chika naman ng isang netizen, “good to hear,,,, sayang wala na yung dating charice. sya sana ang susunod sa yapak nila celine dion at whitney houston.”

Reply ni Raquel, “well its her choice at dun xa masaya…pero charice was still alive in diffrent name and music genre.”

Samantala, nananatili namang walang komento mula kina Morissette, Jake, at David Foster hinggil sa talak ng ginang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Raquel Relucio Pempengco (@supermommyraqz)

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga taong sangkot sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Payo ng nanay ni Jake Zyrus sa mga baguhang artist: Sabi ni Oprah kay Charice noon kapag inuna ang yabang walang patutunguhan

Raquel Pempengco may patutsada sa concert ni David Foster: Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending