Jane Oineza super proud kay RK Bagatsing matapos mapanood ang 'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko' | Bandera

Jane Oineza super proud kay RK Bagatsing matapos mapanood ang ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’

Reggee Bonoan |March 28,2023
facebook
share this

Jane Oineza super proud kay RK Bagatsing matapos mapanood ang ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’

Reggee Bonoan - March 28, 2023 - 03:57 PM

Jane Oineza super proud kay RK Bagatsing matapos mapanood ang 'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko'

SOBRANG proud ang girlfriend ni RK Bagatsing na si Jane Oneiza paglabas nito ng Gateway Cineplex 5 kung saan ginanap ang premiere night ng pelikulang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)” nitong Sabado, Marso 25.

Isa ito sa mga entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa Abril 8 hanggang 18 na pinagbibidahan nga ni RK na gumaganap bilang Rey Valera.

Sabi ni Jane, “Proud na proud ako at alam ko rin proud din siya sa movie at sa ginawa niya. Alam ko rin kung paano ang naging preparation niya with this film. Nakaka-proud to see everything na final na and excited ako na mapanood ito ng mga tao sa MMFF as a proud dyowa.”

Hindi nga nawawala ang ngiti kay RK pagkatapos ng screening dahil kaliwa’t kanan ang bumabati sa kanya at nakikipagkamay. Present din ang kuya niyang si Raymond Bagatsing at parents nila.

Kuwento ni Jane kung paano inihanda ng boyfriend niya ang sarili para sa gagampanan nitong karakter.

Baka Bet Mo: Jane Oineza hindi kering i-share si RK Bagatsing sa ibang babae: ‘Madamot ako!’

“Naka-loop sa speakers namin ‘yung mga kanta ni Sir Rey Valera at paulit-ulit niyang pinakikinggan. And everytime rin na matatapos siya ng taping, meron siyang bagong kantang paulit-ulit na ipini-play dahil ‘yun yung katatapos lang niyang eksenang kinuna.

“Nakatutuwa lang na naririnig ko ‘yung mga kuwento at inspirasyon do’n sa mga kanta and I get to see it as well,” nakangiting kuwento ng aktres.

Inamin din ng dalaga na gustung-gusto rin niya ang mga awitin ni Ginoong Rey Valera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RK Bagatsing (@bagatsingrk)

“Di ba ‘yung mga kanta ni Sir Rey, madadala ka talaga pero knowing kung paano siya sumulat, saan siya inspired, mas madadala ka pa lalo,” aniya pa.

Ang awiting “Ako si Superman” ay alay daw niya kay RK. “Yes. He’s my superman for being with me and saving me and making me survive life with him,” masayang sabi ni Jane Oineza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” ay official entry ng Saranggola Media mula sa direksyon ni Joven Tan.

Related Chika:
OPM classic na ‘Walang Kapalit’ isinulat ni Rey Valera para sa mga beki; ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’ hahataw na sa 1st Summer MMFF

RK Bagatsing na-challenge sa pagsusuot ng wig sa pagganap bilang Rey Valera sa ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’: Grabe! Sobrang init niya sa ulo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending