Jane Oineza hindi kering i-share si RK Bagatsing sa ibang babae: 'Madamot ako!' | Bandera

Jane Oineza hindi kering i-share si RK Bagatsing sa ibang babae: ‘Madamot ako!’

Ervin Santiago |January 12,2023
facebook
share this

Jane Oineza hindi kering i-share si RK Bagatsing sa ibang babae: ‘Madamot ako!’

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 07:57 AM

Jane Oineza hindi kering i-share si RK Bagatsing sa ibang babae: 'Madamot ako, e!'

Jane Oineza at RK Bagatsing

KERIBELS ba ng celebrity couple na sina RK Bagatsing at Jane Oineza na sumabak sa isang “open marriage” tulad ng mga karakter nila sa pelikulang “The Swing”?

Yan ang naitanong sa magdyowa during the presscon of the movie na idinirek ni RC delos Reyes, kung saan gaganap nga sila bilang mag-asawa na haharap sa mga pagsubok sa gitna ng kagustuhan nilang magkaanak na.

Hanggang sa tumikim na nga ng ibang babae si Kevin (RK) para ma-satisfy ang kanyang sexual desires na hindi maibigay sa kanya ng asawang si Pam (Jane).

Pero nang mabuking nga ni Pam ang pagtataksil ni Kevin, sa halip na maghiwalay, nagpunta sila sa Switzerland para sa isang open-marriage arrangement para pareho silang makatikim ng ibang “putahe.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elizabeth Jane Oineza 👽 (@janeoineza)


Sa tunay na buhay pa ay kakayanin ni Jane kapag nalaman niyang may ibang ka-sex si RK lalo na kung kasal na sila at nagsasama na bilang mag-asawa?

“It depends naman sa usapan niyo rin as a couple. If you have an agreement na talagang you can’t handle that, hanggang dito lang ako, hindi ko kaya yun. Then, it’s a dealbreaker.

“To me, ako naman, vocal ako. Sabi ko, ‘Madamot ako, ha.’ It would be a dealbreaker for us,” dugtong ng aktres.

Sa movie, willing ang karakter niya na bigyan ng second chance ang asawa, “Para sa kanya, ‘Gagawin ko ‘yung lahat kung ako ‘yung kailangan mag-adjust, ako na lang ‘yung mag-aadjust,’ kasi ganu’n ‘yung love niya.”

Para naman kay RK, pwedeng mag-work sa ilang magdyowa ang open  relationship lalo na kung pareho silang desidido na i-save ang kanilang relasyon.

“I guess its really depends kung ano nga ba ‘yung usapan niyo, hanggang saan kayo. Ganoon ‘yung mga nakausap namin. May mga ganoon silang pinagdadaanan. Somehow iyon pang ‘yung sumasagip sa relationship nila,” sey ni RK.

Pero sa tuna na buhay daw, parang hindi niya kayang i-share ang kanyang girlfriend sa ibang lalaki.

Ang “The Swing” ay isa sa tatlong pelikula ng Mavx Productions at ng Star Magic. Ang dalawa pa ay ang “I Love Lizzy” nina Carlo Aquino at Barbie Imperial; at ang “Unravel” starring Gerald Anderson and Kylie Padilla.

Jane Oineza, RK Bagatsing nagpaka-wild sa Switzerland, game na game sa mga sex scenes sa ‘The Swing’

Jane Oineza nagpaliwanag kung bakit ‘smiley’ ang ipina-tattoo nila ni RK Bagatsing

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Raymond Bagatsing may trauma na nga ba sa pag-aasawa pagkatapos magpakasal ng 2 beses?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending