Raymond Bagatsing may trauma na nga ba sa pag-aasawa pagkatapos magpakasal ng 2 beses? | Bandera

Raymond Bagatsing may trauma na nga ba sa pag-aasawa pagkatapos magpakasal ng 2 beses?

Ervin Santiago |October 23,2022
facebook
share this

Raymond Bagatsing may trauma na nga ba sa pag-aasawa pagkatapos magpakasal ng 2 beses?

Ervin Santiago - October 23, 2022 - 08:44 AM

Raymond Bagatsing may trauma na nga ba sa pag-aasawa pagkatapos magpakasal ng 2 beses?

Raymond Bagatsing

NAGKA-TRAUMA pala ang award-winning actor na si Raymond Bagatsing nang dahil sa nangyari sa kanyang nanay at tatay noong bata pa siya.

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit may nararamdaman siyang kaunting takot at pangamba sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.

Nagbahagi ng ilang detalye tungkol sa kanyang personal life si Raymond nang mag-guest siya sa talk show ni Korina Sanchez-Roxas na “Korina Interviews” last Sunday, October 16.

Chika ng veteran actor, taken na  siya ngayon at dalawang taon na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na palagi niyang dinadalaw sa Dumaguete.

Tinanong siya ni Korina sa isang bahagi ng panayam kung handa na ba siyang mag-asawa uli, pero kapansin-pansin na hindi siya nakasagot agad at nag-isip nang ilang sandali.

Sa mga hindi pa aware, dalawang beses nang ikinasal si Raymond na  parehong nauwi sa hiwalayan. Una niyang pinakasalan ang former actress-model na si Lara Fabregas noong 2001.

Matapos silang maghiwalay ni Lara, nagpakasal uli siya noong November 21, 2008 sa broadcaster na si Cora Pastrana.

Pahayag ni Raymond, “I have a fear of a…nagka-trauma na kasi ako, e. Ang trauma for me coming from a broken family.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Raymond Bagatsing (@raymondbagatsing)


“Though hindi kami broken. It’s just a term na hindi nagkatuluyan yung mother and father ko. After five years, just separated, and I think that really affects a child growing up.

“As a child, I was able to bring all those angst and all those trauma into my work. But I feel na kaya ko ba? Kaya ko ba, you know. And I’ve lived like a nomad for so long.

“I was in Australia. Sa Australia ako lumaki. Sa Melbourne, Australia. It was only me and my mother.

“Tapos, I also lived in the US when I was about early 10 years old, and I was supposed to migrate there for work, and I went to Australia, so medyo magulo,” pagbabahagi pa ng premyadong aktor.

“But, marriage, I like to surrender what I want, all my desires, all whatever ambitions. I think, I’m in the process of surrendering that to God’s will.

“And for some reason, when I do that, it they come even if you don’t seek it. So, yung marriage, I think if it’s meant, it will happen,” aniya pa.

Sundot na tanong ni Korina, hindi pa ba siya niyayaya ng kanyang girlfriend na magpakasal, “I do get there. I’m on the process. Grabe! I have to make this work. Para hindi naman masayang ang interbyung ‘to.

“Sorry. That’s a joke! Baka mamaya, awayin ako,” natatawang chika ni Raymond

Raymond Bagatsing naranasan na rin maging stalker: Pero I’m very mahiyain, so tumitingin-tingin lang ako sa kanya

Raymond inalala ang pambu-bully ng kapwa celebrity, takot pumasok sa dressing room: Sasabihin nila, ‘Yan yung bakla, di ba?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

TikTok video nina Tony at Raymond nabahiran ng malisya: E, ano naman kung sweet sila?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending