Pagbibidahang pelikula ni Morissette matutuloy na after 3 years, fans excited na: ‘Can’t wait for this po!’ | Bandera

Pagbibidahang pelikula ni Morissette matutuloy na after 3 years, fans excited na: ‘Can’t wait for this po!’

Pauline del Rosario - March 20, 2023 - 01:59 PM

Pagbibidahang pelikula ni Morissette matutuloy na after 3 years, fans excited na: ‘Can’t wait for this po!’

PHOTO: Instagram/@itsmorissette

TULOY na tuloy na ang pagbibidahang pelikula ng singer na si Morissette Amon, ang musical film na “Song of the Fireflies.”

Kung maaalala, taong 2020 pa sana sinimulan ang taping nito pero dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi na ito itinuloy.

Anyway, ang exciting na balita tungkol sa upcoming film ni Morissette ay kinumpirma sa pamamagitan ng Instagram post ng singer-actress na si Rachel Alejandro na tampok rin sa pelikula.

Caption pa niya, “3 years after the pandemic put a pause to @songofthefirefliesmovie , a film that was being developed by the makers of @anglarawanmusicalmovie, we’re finally back on track with principal photography happening in a few weeks in Bohol and Manila.”

Katulad daw ng fans, excited rin mismo si Rachel para kay Morissette bilang lead actress.

@itsmorissette fans, I’m with you – I can’t wait to see Mori slay as our lead actress,” saad ng batikang singer sa IG.

Baka Bet Mo: Kasal nina Morissette at Dave Lamar inulan nang bonggang-bongga, parang eksena sa pelikula

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachel Alejandro (@racheljalejandro)

Maraming fans naman ang abang na abang na sa movie musical ng kanilang idol.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I am so happy para sa lahat ng cast at mga tao sa likod nito lalong lalo na kay Mori! [red heart emoji]”

“OMG!! So it’s happening!!! So looking forward to it!!! Best of luck to the production!!!”

“The best things in life are worth the wait! This Morissette fan is over the moon!!!”

Bukod kina Morissette at Rachel, makakasama rin sa “Song of the Fireflies” sina Noel Comia Jr., Krystal Brimmer at Cris Villonco.

Ang upcoming film ay tungkol sa istorya ng Loboc Children’s Choir na itinatag noon pang 1980.

Para sa kaalaman ng marami, ang  Loboc Children ay isa sa mga nangungunang children’s choir ng bansa na nakapagtanghal na sa iba’t-ibang bansa.

Ang mga kantang tampok sa musical film ay isinulat ni National Artist for Music Ryan Cayabyab.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine inaming hirap na hirap sa ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ duet nila ni Morissette: ‘Kasi 100 years old na ‘ko, itatapat ako sa jugets!’

Banat ni Alex sa nang-asar nang malaglag ang baby niya: Masarap gumawa nang gumawa kaya teka gagawa ulit kami ni Mikee, wait…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending