Basher na nagpakalat ng fake news laban kay Bela Padilla nag-sorry na, umaming nagsinungaling
NAG-SORRY at umaming nagsinungaling ang isang netizen na nagpakalat ng chikang inisnab daw siya ng actress-director na si Bela Padilla.
Yes, vindicated ang dalaga sa fake news na ipinost ng nasabing basher sa kanyang social media account kung saan inakusahan nga siyang nang-isnab at tumangging magpa-picture sa mga fans.
Nangyari raw ito sa matagumpay na concert ng international star na si Harry Styles last March 14, na dinaluhan nga ng libu-libong Pinoy fans kabilang na riyan ang mga sikat na celebrities.
View this post on Instagram
Sa naganap na presscon ng bagong pelikula ni Bela under Viva Films at ng pag-aari niyang Whisky Marmalade, ang “Yung Libro Sa Napanood Ko”, nagbigay ng reaksyon si Bela tungkol sa kontrobersya.
Aniya, gusto na niyang tapusin ang nasabing isyu lalo pa’t personal nang nagpadala sa kanya ng mensahe ang netizen kung saan nag-sorry nga ito sa kanya nang bonggang-bongga.
Nagpasalamat din ang aktres at direktor sa lahat ng netizens na nagtanggol sa kanya at nag-post pa ng kanilang mga litrato kasama siya bilang patunay na hindi niya inisnab at binewala ang mga gustong magpa-selfie sa kanya.
“The person who tweeted me personally apologized to me and said, ‘I’m sorry I lied.’
“So this proves that the person who tweeted me wasn’t even there (sa concert ni Harry Styles),” sey pa ng aktres sa mediacon ng “Yung Libro Sa Napanood Ko” kung saan kasama niya ang Korean actor na si Yoo Min-Gon at Lorna Tolentino.
Pag-alala pa ni Bela, may pinasakay pa siyang isang fan ni Harry Styles sa kanyang sasakyan patungong venue ng concert. Bukod dito, naging instant friend pa raw niya seatmate niya sa vunue, “So I was really surprised when the issue came out the next day.”
“Nag-sorry na siya so okay na sa akin. But I just want to say, be careful what you put out in the world, kung social media man yan, actions, or what you say.
“I guess laganap ang clout-chasing ngayon. So kung nagpapapansin lang tayo sa isang tao or gusto nating maka-call ng attention, sana hindi tayo nag-i-spread ng rumors or lies ‘coz it’s very dangerous. I’m happy na nag-apologize na, and I’m okay with that,” pahayag ni Bela.
View this post on Instagram
Nagbahagi rin siya ng advice sa madlang pipol, “One thing I can say to the young generation out ther: shoot your shot. 2023 is the year to shoot your shot.
“I never thought in my wildest dreams that I could direct Ms. LT (Lorna), but we all have to start somewhere.
“I needed one person to believe in me and that was Miss LT. All the young people out there deserve a shot. Let’s not diminish their work because of lack of experience,” aniya pa.
Samantala, naisulat ni Bela ang script ng “Yung Libro Sa Napanood Ko” bago pa mag-pandemic.
“I watched a K-drama called ‘Because This Is My First Life.’ It was so uplifting. It had no kontrabida.
“Likewise, it was very easy to watch. I said to myself I wanted to do something based on this K-drama with no contravida but addresses mental health issues,” pahayag ng aktres.
Baka Bet Mo: Pekeng nude photo ni Alden pinagpiyestahan; Sparkle talent center binantaan ang nagpakalat ng litrato
Matapos makita ang libro na napanood sa Korean drama, na-inspire si Lisa (Bela) na magsulat ng libro at naging isang published writer.
Habang nasa book signing event, magkakaroon siya at ang Koreanong si Kim Gun Hoo (Yoo Min-gon) ng meet-cute moment matapos magpa-autograph ni Gun Hoo at magpakita ng interes sa kanya.
Gagawan ng paraan ni Gun Hoo na magkita ulit sila ni Lisa, at ngayon ay niyaya niya itong sumama sa kanya at bumisita sa South Korea. Kahit na nagdadalawang isip nung una, pumayag din si Lisa at sumama sa kanya.
Mag-iikot at gagala sila sa Korea at bibisitahin ang mga lugar na dati ay sa mga libro lang nababasa ni Lisa at napapanood sa TV at pelikula.
Mae-experience na kaya ni Lisa ang love story na akala niya ay sa mga pahina lang ng libro at sa mga palabas lang makikita?
Ka-join din sa romance-drama movie na ito sina Boboy Garrovillo, Hasna Cabral, Lee Suya, Boy Abunda, Malena Leonard, Goda Choi, Carole Dorothy Bowlby, Kim Jin Mok, Raul Montesa with the special participation of Boy Abunda.
Mula sa Viva Films, hahayaan mo ba ang sariling maranasan sa totoong buhay ang isang fairytale love story? Panoorin ang “Yung Libro Sa Napanood Ko” sa mga sinehan nationwide simula ngayong April 8, sa direksyon din ni Bela Padilla.
2 Vivamax bombshell nabiktima ng manyak; Angela Morena umaming minolestiya, nagdemanda
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.