2 Vivamax bombshell nabiktima ng manyak; Angela Morena umaming minolestiya, nagdemanda | Bandera

2 Vivamax bombshell nabiktima ng manyak; Angela Morena umaming minolestiya, nagdemanda

Ervin Santiago |September 08,2022
facebook
share this

2 Vivamax bombshell nabiktima ng manyak; Angela Morena umaming minolestiya, nagdemanda

Ervin Santiago - September 08, 2022 - 08:08 AM

Angela Morena at Rose Van Ginkel

DALAWANG Vivamax bombshell ang umaming nabiktima na rin sila ng mga manyak.

Yan ang diretsahang inamin nina Rose Van Ginkle at Angela Morena nang tanungin kung namanyak na ba sila sa totoong buhay.

Ito kasi ang tema ng bago nilang pelikula sa Vivamax, ang “5 in 1, Patay Kang Manyak Ka” na pinagbibidahan ng dating Hashtag member na si Wilbert Ross.

Sa kuwento, gaganap si Rose Van, “As Lexie, ako ‘yung emo girl na girlfriend ni Wilbert. Loner ako, may pagka-suicidal kasi kulang ako sa pagmamahal ng family ko.

“But when I met Wilbert, naging positive effect niya sa akin. He made me realize na lahat naman, may pinagdaraanan, pero hindi tayo dapat magpakamatay just to solve our problems. Dapat maghanap ka ng paraang lutasin ang mga problema mo,” sey pa ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Rose Van Ginkel (@babyginkel)


“As Riley Red, ako ‘yung girlfriend ni Wilbert na hindi good looking kasi mukha akong manang dito,” kuwento naman ni Angela.

“Negative ang tingin ko sa sarili ko. Masyadong mababa ang self confidence ko, but when I met Wilber as Dick, nagkaroon ng transformation sa buhay ko. Marami akong natutuhan sa kanya to improve myself at malaki ang impact ng naging pagtulong ni Dick sa buhay ko,” dugtong ng sexy star.

At dahil nga tungkol sa kamanyakan ng karakter ni Wilbert ang movie, natanong sina Rose Van at Angela kung naranasan na ba nila ang mabiktima ng manyak.

Sagot ni Rose Van, “Yes, I’ve experienced it. Sa social media, when I see someone na binabastos, nagagalit ako.

“Pero kapag sa ‘yo na pala nangyari, sobrang kakabahan ka. Magba-blackout ka. Sa sobrang kaba ko, wala akong nagawa, kaya umalis na lang ako. It’s a very unpleasant experience,” aniya pa.

Chika naman ni Angela, “Ako rin, namanyak na ako. That was three years ago. Wala pa ako sa showbiz. Someone molested me, pero nahuli namin ‘yung lalaki and nagsampa ako ng kaso. Dahil doon, takot na talaga ako sa mga manyak at maingat na ako.”

Samantala, natanong din ang dalawang sexy star kung nagkaroon na sila ng dyowa na manloloko o two-timer. Sagot ni Rose, “No, I’ve never experienced it. If I ever I’d do, siyempre, hindi ako papayag. Hiwalay agad.”

“Ako rin, hindi ko pa na-experience. Minsan pa lang naman ako nagka-boyfriend and if ever, hindi ko rin ito-tolerate. Break kami agad,” sey ni Angela.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “5-in-1, Patay Kang Manyak Ka” sa Vivamax simula sa September 23.

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

Janelle Tee hiyang-hiya kay Joey Reyes: Tapos napansin niya mahilig akong lumafang kaya pinakain niya ako nang husto

Angeline palaging kasama ang namayapang ina sa loob ng kanyang van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending