Wilbert Tolentino, Zeinab Harake nagkaayos na, away noon pinagkakitaan lang ba? | Bandera

Wilbert Tolentino, Zeinab Harake nagkaayos na, away noon pinagkakitaan lang ba?

Therese Arceo |March 16,2023
facebook
share this

Wilbert Tolentino, Zeinab Harake nagkaayos na, away noon pinagkakitaan lang ba?

Therese Arceo - March 16, 2023 - 05:08 PM

Wilbert Tolentino, Zeinab Harake nagkaayos na, away noon pinagkakitaan lang ba?
MAKALIPAS ang ilang buwan buhat nang mangyari ang kontrobersyal na pag-aaway nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake ay nagkabati na rin ang dalawa.

Sa naging panayam sa talent manager sa nangyaring grand opening ng kanyang bagong restaurant ay inamin niyang nagkaayos na sila.

“Okay naman kami. After the issue, nag-sorry naman siya sa akin. Nag-usap naman kami talaga nang heart-to-heart talk. Siyempre, kahit sabihin natin na nagkaroon kami ng malalim na gap, still, ini-honor ko siya as one of my mentors pa rin sa vlog industry,” saad ni Wilbert.

Sinabi rin niya na wala na talaga siyang sama ng loob sa kapwa social media personality at sa katunayan ay inimbita pa niya itong pumunta sa kanyang restaurant.

Pagbabahagi ni Wilbert, “Actually, in-invite ko siya last night, 1:18 a.m. ko siya minessage. Ang sabi ko sa kanya, ‘Hi Mima! Bukas grand opening ko sa Tokyo Grill Unlimited Japanese restaurant. Kung keri mong mag-drop by, treat po kita.’

“Ang sagot niya sa akin, ‘Hi, Ma, I’m sorry. Off ng yaya ni Bia and may sched po ako tomorrow. But thank you po sa invite.'”

Bukod rito, nilinaw rin ni Wilbert na hindi gimik ang kanilang naging bangayan para lamang tumaas ang kanilang views at para mas pag-usapan ng madlang pipol.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Zeinab kay Wilbert: Naging mabuti ako sa harap at likod mo, pero ako, kahit OK tayo, sunod-sunod ‘yung saksak mo

“Ay hindi, hindi ko pagkakakitaan yung content na yan. On my part, nagsabi lang ako ng totoo. And bilang mentor ko siya, bilang negosyante, gusto ko rin naman na gabayan ko siya.

“Just like kung paano ko ginabayan si Herlene Budol, sila Madame Inutz, ganun din naman ang treatment ko sa kanya. Gusto ko lang i-wake up sa kanya. Baka mamaya lumala pa kapag di ko siya naagapan,” lahad ni Wilbert.

Matatandaang nagulantang ang social media nang maglabas ng video ang talent manager ng video kung saan in-expose niya ang convo nila ni Zeinab pati na rin ang mga pangba-backstab umano nito patungkol sa ibang vloggers at celebrities gaya nina Robi Domingo, Ivana Alawi, Alex Gonzaga, Whamos Cruz, Jelai Andres, at marami pang iba noong October 2022.

Ani Wilbert, ang long post raw noon ni Zebby ay tila patutsada sa kanya na patungkol sa bading itinuring niyang nanay-nanayan ngunit pinaikot lang daw siya.

Inamin ng social media influencer na totoong lumayo ang loob niya sa talent manager dahil tingin niya ay ito ang naging source ng kumalat na mga blind item tungkol sa problema nila ni Skusta Clee.

Ngunit dinenay niya na hindi si Wilbert ang kanyang tinutukoy sa long post.

Sa ngayon ay nagkabati na nga ang dalawa nginit kung magkakaroon man daw sila ng collab ay mabuting gawin na lang kapag malamig na ang naganap na isyu noon.

Related Chika:
Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending