Zeinab Harake niregaluhan ng relo si Ray Parks,umabot ng P900k?

Zeinab Harake niregaluhan ng relo si Ray Parks, umabot ng P900k?!

Therese Arceo |February 20,2024
facebook
share this

Zeinab Harake niregaluhan ng relo si Ray Parks, umabot ng P900k?!

Therese Arceo - February 20, 2024 - 09:59 PM

Zeinab Harake niregaluhan ng relo si Ray Parks, umabot ng P900k?!

TALAGA namang mapapa-“sana all” na lang talaga ang madlang pipol sa iniregalo ng social media personality na si Zeinab Harake sa basketbolistang dyowa na si Ray Parks Jr.

Umabot raw kasi sa humigit kumulang P900,000 ang presyo ng mamahaling relo na Rolex na talagang hinanahap pa ng vlogger sa Hong Kong.

Pagbabahagi ni Zeinab, hirap na hirap siya na mag-isip kung ano ba ang kanyang ireregalo kay Ray dahil bukod sa Valentine’s ay birthday rin nito.

“Akala ko ako ‘yung mahirap regaluhan pero nakatagpo ako ng katapat, si Daddy Ray ‘yun. Ang hirap niyang regaluhan. Ayoko rin talaga sanang bigyan siya ng ganoong regalo pero wala e. Parang nili-lead ako para ‘yun ang iregalo ko kasi sobrang hilig ni Daddy Ray sa watch.

“Bumili ako ng Rolex sa Hong Kong. Grabe ‘yung pinagdaanan ko para lang mahanap ‘yang chocolate Rolex na ‘yan,” saad ni Zeinab.

Kaya raw ito ang napili niyang color ay dahil gustong-gusto niya ang kulay ni Ray.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake handa nang pakasalan si Bobby Ray Parks, pero…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sobrang in love ako sa kulay niyang moreno. ‘Yung black na color na meron siya, siguro ‘yun yung number 1 na nakapagpa-inlove sa akin. Kaya ‘yung watch talaga na pinush ko, nakarating pa ako ng Hong Kong dahil doon sa color na ‘yun,” sabi pa ni Zeinab.

Inakala pa nga ni Ray na prank ang regalo ni Zebby nang makita niya ang paper bag ng mamahaling brand ng relo.

“Grabe ka naman. Grabe naman to. Seryoso ka? That’s crazy!” ‘di makapaniwalang sey ni Ray kay Zeinab.

Super happy ng basketbolista at kahit suot na niya ang relo ay wala pa ring mapagsidlan ang kanyang tuwa sa natanggap.

“As in speechless ako. Thank you so much, mahal. You don’t have to but…” dagdag sabi pa ni Ray kay Zeinab.

Pasabog pa ng vlogger, siyam na store pa ang kanyang pinuntahan para lang mahanap ang rare color ng relo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy birthday, Daddy Ray. Sobrang thankful ako sa parents mo kasi mayroon silang nagawang Ray Parks na nakakapagbigay saya sa mga tao especially sa akin tsaka sa mga bata,” pagbati ni Zeinab.

“Dati lagi kong sinasabi na hindi ko ipapakita ‘yung mga anak ko sa taong hindi ako sigurado pero ginawa ko sa ‘yo kasi nararamdaman kong totoo ‘yung puso mo, totoo ‘yung pag-aalaga mo, totoo ‘yung intensyon mo sa akin at sa mga bata,” pagpapatuloy pa niya.

Ani Zeinab, sa dami ng pinagdaanan niya, thankful siya na binigyan siya ng totoong blessing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending