Zeinab Harake ibinandera ang larawan nila ni Apo Whang-Od

Zeinab Harake ibinandera ang larawan nila ni Whang Od

Therese Arceo |February 16,2024
facebook
share this

Zeinab Harake ibinandera ang larawan nila ni Whang Od

Therese Arceo - February 16, 2024 - 04:27 PM

Zeinab Harake ibinandera ang larawan nila ni Apo Whang-Od

MASAYANG ibinandera ng social media personality at vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang pagbisita sa Buscalan kung saan na-meet niya si Apo Whang-Od.

Para sa mga hindi nakakakilala kay Apo Whang-Od, siya ay ang pinakamatandang mambabatok at nagmula sa Butbut tribe.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ni Zeinab ang masaya niyang paglalakbay sa Buscalan.

“Dati lagi kong sinasabi na ang goal ko talaga bago ako mag-30, gusto kong mag-full sleeve na tattoo. Nanghihinayang ‘yung ibang tao sa balat pero hindi n’yo nage-gets na it’s an art. Depende ‘yan sa tao kung ano ‘yung gusto nilang gawin sa body nila.

“Naa-amaze ako sa ganito, ‘yung punung-puno ng tattoo. Kaya pansin n’yo, nainlove ako kay Daddy Ray kasi puno siya ng tattoo,” pagbabahagi ni Zeinab.

Nagdesisyon siya na magpa-tattoo sa taas ng kanyang tiger tattoo para daw pasabog.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake nakabili ng bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P7-M hanggang P11-M

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kinakabahan ako kasi forever ‘yan e. Tattoo ng nag-iisang Whang-Od ‘yan. Dapat pasabog,” sey pa ni Zeinab.

Hindi naman mapigilan ng vlogger ang ma-starstruck nang makita si Apo Whang-Od.

“Napapanood ko lang siya sa maraming videos tapos ngayon nasa video ko na siya,” masayang sambit ni Zeinab.

Ibinandera rin niya ang larawan nilang magkasama sa Instagram.

Ani Zeinab, “Finally with one and only Apo Whang Od.”

Super happy naman ang supporters ng vlogger sa naging pagsasama nila ni Whang-Od.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Whaaaaat that’s hella tight,sis!! Loveeee this! what an experience,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ayun oh! Yung signature 3 dots tattoo ni Apo Whang Od. Ang ganda panuodin ng vlog lalo na dahil ng edit tsaka sounds! Sarap makinig nung kwentuhan niyo sa van yung naglalakad kayo ng ilang brgy para makauwi dati sa Cavite. Way to go Zeinab. More blessings to come!”

“Ung tiger na gawa ko lalong lumabas ung meaning dahil sa tatlong tuldok ni apo,” sey naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending