Zeinab shookt nang matanggap ang mga mamahaling regalo mula kay Bobby Ray | Bandera

Zeinab shookt nang matanggap ang mga mamahaling regalo mula kay Bobby Ray

Ervin Santiago |January 16,2024
facebook
share this

Zeinab shookt nang matanggap ang mga mamahaling regalo mula kay Bobby Ray

Ervin Santiago - January 16, 2024 - 07:45 AM

Zeinab shookt nang matanggap ang mga mamahaling regalo ni Bobby Ray

Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake kasama ang dalawang anak

PINAULANAN ng basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. ng mga bonggang regalo ang kanyang girlfriend na si Zeinab Harake.

Patunay lamang ito na hindi lang sa aksyon ipinakikita at ipinararamdam ng sikat na cager ang kanyang pagmamahal sa dyowang aktres at content creator, kundi maging sa mamahaling mga gifts.

Kaya naman feeling ni Zeinab ay wala na siyang mahihiling pa sa pagkakaroon ng mapagmahal, generous at very thoughtful na partner.

Trending at hot topic ngayon sa social media ang latest YouTube vlog ni Zeinab kung saan mapapanood ang  pagbubukas niya ng mga natanggap na regalo last Christmas.

Kitang-kita ang pagka-shock ng vlogger nang bumulaga sa kanya ang mga expensive gifts mula kay Bobby Ray, kabilang na riyan ang isang pair ng pink designer sandals.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake feeling lucky kay Bobby Ray Parks: ‘Malay ko bang seryoso ‘tong kumag na ‘to…hindi lang ako love niya, pati kids’

Bukod dito, shookt din ang beauty ni Zeinab nang matanggap ang isang pares ng black designer heels mula pa rin sa kanyang galanteng dyowa.

Binigyan din siya ng basketball player ng isang white luxury bag. But wait there’s more! Niregaluhan din ni Bobby ng isang women’s bible si Zeinab, na tinawag ng vlogger na “most special gift” mula sa kanyang partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


Ibinandera rin ni Zeinab sa kanyang vlog ang bago niyang sasakyan na binili raw niya bilang regalo sa kanyang sarili at  sa mga anak na sina Lucas at Zebbiana.

Baka Bet Mo: Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

Samantala, nagpasalamat naman si Bobby kay Zeinab sa pamamagitan ng isang madamdaming mensahe sa kanyang Instagram page.

Ito’y matapos na lumipad patungong Okinawa, Japan ang vlogger para personal na manood ng B.League All-Star nitong nagdaang weekend.

“Thank you for being my better half, mahal ko. You always find ways out of your busy schedule to come and support me,” ang caption ng cager sa kanyang Instagram post.

Dugtong pa niya, “I am blessed to have you as my partner and i truly am grateful for your love, patience and sacrifice. Looking forward our next adventure. I love you, Bel.”

Nag-comment naman si Zeinab sa post ni Bobby ng, “Mahal na mahal kita san next game? (laughing emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa si Ray sa 10 Filipino imports na napili para sa Asia All-Stars team na naglaro sa Asia Rising Star game ng B.League All-Star last Saturday. Nanalo ang Asian imports against the young B.League players, sa score na 127-115.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending