Zeinab nakabili ng car na nagkakahalaga ng P7 hanggang P11-M

Zeinab nakabili ng bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P7-M hanggang P11-M

Ervin Santiago |January 25,2024
facebook
share this

Zeinab nakabili ng bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P7-M hanggang P11-M

Ervin Santiago - January 25, 2024 - 02:54 PM

Zeinab nakabili ng bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P7-M hanggang P11-M

Zeinab Harake

BONGGA pala ang regalo ng content creator at aktres na si Zeinab Harake para sa kanyang 25th birthday last December 11.

Itinuturing ni Zeinab na isang milestone ang pagkakabili niya ng bagong sasakyan for herself – ang Lexus LM luxury van.

Sa Instagram, excited na in-announce ni Zeinab sa kanyang mga followers na finally ay natupad na niya ang isa sa kanyang mga dream.

Kalakip ang kanyang litrato kung saan makikita ang bagong bili niyang sasakyan ang caption na, “Walang hanggang pasasalamat sa itaas grabe ka lord salamat po sa lahat ng blessings.”

Baka Bet Mo: Julia kinumpirmang absent si Gerald sa kanyang 25th birthday party, bakit nga kaya?

Sa kanya namang YouTube vlog, nagdetalye rin si Zeinab tungkol sa pagbili niya ng mamahaling sasakyan na pinaniniwalaang nagkakahalaga ng P7 million hanggang P11 million.

Dito, nasabi ni Zeinab na para talaga sa bunso niyang anak na si Bia ang naturang sasakyan at two years in the making daw ang pag-purchase nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


“Ito yung sinasabi kong gusto kong i-birthday gift sa sarili ko. And hindi lang para sa akin, para kay Bia ito.

Baka Bet Mo: Sharon, Kiko 25 years nang mag-asawa: Who’d have thought we’d make it this far?

“Na-delay ng ilang taon, halos two years, yung van na gusto ko para kay Bia, katulad nung van ko na Alphard,” paliwanag ni Zeinab.

Sey pa ng sexy vlogger, nai-turn over sa kanya ang sasakyan noong November 21, 2023 at agad niya itong dinala sa Tycoon Powercars para sa paint protection film at ceramic coating.

Bukod sa bago niyang car, may dalawa pang bonggang sasakyan si Zeinab, ang Ram Rebel 1500 pickup truck na nagkakahalaga ng more or less P5 million.

Para raw ito sa kanyang 7-year-old adopted son na si Lucas, “Ito si Baby Ram. Itong kotse na ito, para kay Kuya Lucas dahil gusto niya ng monster truck.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meron din siyang black Toyota Alphard na nabili niya noong 2021 worth P5 million.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending