Rosanna Roces nagpasalamat kay Floy Quintos: Mahal kita

Rosanna Roces nagpasalamat kay Floy Quintos: Mahal na mahal kita

Reggee Bonoan |April 27,2024
facebook
share this

Rosanna Roces nagpasalamat kay Floy Quintos: Mahal na mahal kita

Reggee Bonoan - April 27, 2024 - 07:50 PM

Rosanna Roces nagpasalamat kay Floy Quintos: Mahal na Mahal kita

Rosanna Roces at Floy Quintos

‘Very sad day in Philippine Theater.’

Ito ang karamihang nabasa naming post sa social media mula sa kaibigan/kakilala at nakatrabaho ng kilalang playwright/director at 7x Palanca awardee na si Floy Quintos na sumakabilang buhay kaninang umaga sa emergency room ng UST Hospital kung saan siya itinakbo due to heat stroke.

Isa ang aktres na si Rosanna Roces sa nagluluksa sa pagkawala ni Floy na itinuring niyang malapit na kaibigan dahil nagkatrabaho sila noon sa talk show na “Startalk” sa GMA 7 sa loob ng pitong taon, 1997 – 2004.

Si Floy noon ang direktor ng “Startalk” na naging kapalit ng “Show & Tell” ni Boy Abunda na napapanood naman sa gabi.

Nang maka-chat naming si Osang kanina ay nalungkot siya dahil halos araw-araw sila nagkaka-usap at magkikita pa dapat sana.

Post ni Osang sa kanyang Facebook account:

“I am heartbroken Floy Quintos ..Nagpa thank you ka pa sa akin dahil binanggit kita sa vlog ni Aiko (Melendez).

Baka Bet Mo: Rosanna Roces ayaw gawing pelikula ang buhay: ‘Walang kabutihang mapupulot’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Salamat sa pitong Mabubuting Taon na nakasama kita sa Startalk at sa Labas nito. Sa mga Concerts namin ni Ai Ai (de las Alas) sa Music Museum. Sa mga mahahabang usapan over coffee and meryenda. Salamat Floy..Mahal na Mahal kita

Malaking kawalan sa industriya ang pagpanaw mo. (emoji loudly crying face).”

Binanggit din ng aktres na si Floy ang may ideya ng mga kakaibang sinusinot ni Osang sa mga awards night.

Aniya, “Pag may sinusuot ako sa awards night dati at gumawa ng gulo (kontrobersiyal) kinabukasan asahan n’yo idea ni Floy ‘yon. mula Filipiniana hanggang sa damit na pang anti-Piracy..’yung puro CD collaboration ‘yan ng mga genius sa paligid ko sa pangunguna ni Floy na 7x Palanca awardee.

“Di pa tayo nakakapag kape ulet umalis ka na di pa kita naipagluluto ulit. I will miss your generosity ..thoughtfullness and the Good soul that you Are. You will be missed Floy. Malungkot ang araw na to!”

In-screen shot din ni Osang ang mga text messages nil ani Floy sa isa’t isa na nagpapasalamat sa pagkakabanggit nga sa kanya sa vlog ni Konsehala Aiko Melendez at nag-request na ipagluto siya kapag nagkita sila.

Abala lang si Floy sa on going niyang play na Grace at at marami pang nakalatag na gagawin kasama naman ang multi-media producer at talent manager na si Noel Ferrer.

Post ni Noel sa FB page niya, “I AM SO SAD!!! (emojis crying face, heartbroken at praying hands). We had some pending projects : your collection of plays (The Angry Christ, Kundiman Party, Laro (the updated version), The Reconciliation Dinner & Grace) for the U.P. Press. THE RECONCILIATION DINNER movie with @andoyr1973 & @guelanluarca . And your dream back-to-back concert of @armanfferrer & @iampoppert with @bj_borja !!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“THANK YOU for being my sounding board, shock absorber and willing enabler. Yes, you should be National Artist – sometime soon… Love you dear FLOY QUINTOS!!! #ThankYouAndGodspeedFloyQuintos #FriendFamilyForever.”

Nakikiramay kami sa buong pamilya ni Floy Quintos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending