Zeinab Harake kinabahan, dyowa biglang lumuhod sa harap niya

Zeinab Harake kinabahan, Ray Parks biglang lumuhod sa harap niya

Therese Arceo |February 27,2024
facebook
share this

Zeinab Harake kinabahan, Ray Parks biglang lumuhod sa harap niya

Therese Arceo - February 27, 2024 - 05:16 PM

Zeinab Harake kinabahan, Ray Parks biglang lumuhod sa harap niya

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.

NALOKA ang social media personality na si Zeinab Harake nang bigla na lang lumuhod ang kanyang harapan ang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ibinandera ng kilalang personalidad ang kanilang bonding kasama ang mga anak na sina Bia at Lucas sa isang beach resort.

Imbes kadi na mag-date sina Zeinab at Ray para sa kanilang pagdiriwang ng Valentine’s ay pinili na lang nilang i-celebrate ito kasama ang mga bata pati na rin ang kaarawan ng basketbolista.

Habang ipinapakita ng vlogger ang kanyang pina-set up niyang playground at pagkain para sa kanilang pamilya ay nagtataka siya kung bakit kinukunan ng video ng kanyang prod team ang dyowa.

“Ako ‘yung bini-videohan ah. Hindi si Ray. Bakit nang-aagaw ka? May plano ka ba?” tanong ni Zeinab kila Ray.

Makikitang lumapit naman na si Ray kasama ang videographer papunta kay Zebby.

Baka Bet Mo: Melai naki-level kina Ivana at Zeinab: Don’t comment, masakit ang katotohanan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nang makalapit si Ray si Zeinab ay pabiro itong nadapa at napaluhod sa harap niya.

Maririnig naman ang tawanan sa background matapos siyang hampasin ni Zeinab sa braso.

“G*g*. Bigla akong kinabahan,” saad ni Zeinab.

Pagpapatuloy niya, “Nanggigigil ako rito. Bakit kausap mo sila?”

“Kasi nga may set up nga di ‘ba?” depensa naman ni Ray.

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa naging simpleng kulitan nina Zeinab at Rsy.

“Dasurv nyo magpakasal,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Tingin ko. Nag propose na yan si ray park kay Zeinab. Ayaw palang nila i-reveal.”

“Ay sana all ate zei love you both are perfect match,” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ilan naman na tila hindi nagustuhan ang “prank” ni Ray kay Zeinab dahil tila pinaasa raw niya ang vlogger.

Base naman sa vlog ay mukhang may mga ganoong uri ng biruan ang dalawa na nagpapakita na sobrang kumportable sila sa isa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending