Bwelta ni Zeinab kay Wilbert: Naging mabuti ako sa harap at likod mo, pero ako, kahit OK tayo, sunod-sunod ‘yung saksak mo | Bandera

Bwelta ni Zeinab kay Wilbert: Naging mabuti ako sa harap at likod mo, pero ako, kahit OK tayo, sunod-sunod ‘yung saksak mo

Ervin Santiago |October 25,2022
facebook
share this

Bwelta ni Zeinab kay Wilbert: Naging mabuti ako sa harap at likod mo, pero ako, kahit OK tayo, sunod-sunod ‘yung saksak mo

Ervin Santiago - October 25, 2022 - 08:16 AM

Bwelta ni Zeinab kay Wilbert: Naging mabuti ako sa harap at likod mo, pero ako, kahit OK tayo, sunod-sunod ‘yung saksak mo

Wilbert Tolentino at Zeinab Harake

KAMPI-KAMPIHAN na ang mga netizens sa nagaganap na kontrobersya sa pagitan ng mga sikat na vloggers na sina Zeinab Harake, Wilbert Tolentino, Toni Fowler at Sachzna Laparan.

Painit pa rin nang painit ang mga issue ng mga nabanggit na content creators kaya naman ang mga Marites all over the universe ay active na active ngayon sa kanilang mga “trabaho.”

Nag-ugat ang lahat ng ito nang sagutin ni Wilbert ang cryptic post ni Zeinab patungkol sa mga taong manggagamit, manloloko at traydor.

Walang diretsahang binanggit na pangalan si Zeinab pero feeling nga ng manager ni Herlene Budol siya ang tinitira ng kaibigan niyang vlogger na tinawag pa niyang “mentor.”

“Sa mga nag-comment sa akin na user ako, bukal sa kalooban ko, tatanggapin ko ang pagtawag niyo ng ‘user.’ Pero gusto ko lang din i-share sa inyo na kung user po ako, mas nagamit po niya ako, kaysa mas nagamit ko po siya,” ang rebelasyon ni Wilbert sa kanyang Facebook video.

Ibinuking din dito ni Wilbert ang umano’y pang-ookray ni Zeinab sa  mga kapwa nila YouTubers, kabilang na sina Toni Fowler, Whamoz Cruz, at ang mga BFF ni Zeinab na sina Donnalyn Bartolome at Jelai Andres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


“Si Ms. D (Donnalyn), best friend niya. Pero nagto-talk sh*t siya sa best friend niya. Ganyan ba ang kaibigan?” ang pahayag ni Wilbert.

“There are some vloggers na nakipag-collab ako, nakita ko naman na hindi naman pala totoo ‘yung chika niya (Zeinab) sa akin dahil nakikita ko yung paninira,” dagdag pa niya.

Ang reaksyon naman ni Toni sa umano’y paninira sa kanya ni Zeinab, “Hindi ako papayag na sasabihan mo ang pamilya ko ng trash. Hindi trash ang pamilya ko. Pwedeng ako, pero hindi ang anak ko.”

Hirit naman ni Sachzna, “Totoo ‘yun, hindi talaga kita ganu’n kagusto (Zeinab) kasi marami rin naman akong naririnig sa ‘yo na sinasabi mo sa akin. Ewan ko, hindi ko alam, kung nai-insecure ka ba sa akin that time.”

Sa Facebook Live naman ni Zeinab nitong nagdaang October 23, nilinaw nito na hindi raw para kay Wilbert ang cryptic post niya.

“’Yung post ko nu’ng October 13 is hindi po ‘yun about sa kanya (Wilbert). Like mamatay man, alam ng lahat ng tao sa paligid ko na hindi ‘yun para sa kanya at may ibang tao akong pinapatamaan doon.

“Bakit pinipilit niyong si (Wilbert), para palabasin na mukha akong masamang tao? Bakit pinipilit mong hanapin lahat nu’ng mga tingin mong, ‘Ay p*** mukhang wrong ‘to. ‘Pag lumabas ‘to, magagalit ‘yung tao sa kanya.’

“Bakit hindi mo sinabi lahat ng magagandang bagay na ginawa ko sa ‘yo? Bakit hindi mo sinabi lahat ng totoo? Kung bakit ayaw ko kay ganito, ayaw ko kay ganyan,” depensa pa ni Zeinab.

Pinabulaanan din ng vlogger ang sinabi ni Wilbert na sinisiraan niya ang kaibigang si Donnalyn, “Sabi ni Wilbert tina-trash talk daw kita, malabo ‘yan. Like, alam ng lahat kung gaano ko kamahal si ate Donna. At alam ni ate Donna kung gaano ko siya kamahal. Hinding-hindi ko gagawin sa kanya ‘yan.”

At tungkol naman sa pagtraydor daw niya kay Jelai, “’Yung sabaw, na si ate Jelai ‘yung pinakasabaw sa amin, totoo. Si ate Jelai ‘yung pinakasabaw sa amin and joke, joke naming ‘yun magtotropa.

“Hindi ko alam kung bakit gusto mong (Wilbert) palabasin na masama ‘yun. Hindi ko gets. And minessage ko si ate Jelai, nag-sorry din ako. Nag-sorry na ako,” mariin pa niyang sabi.

Humingi rin ng paumanhin ang dalaga sa iba pang YouTubers at mga influencers na nadamay sa isyu nila ni Wilbert, lalo na kina Ivana Alawi at Robi Domingo.

“Again sa mga artist po, pasensiya na. Sobrang sorry, sorry. Sobrang sorry,” ani Zeinab.

Ito lang ang gusto niyang sabihin kay Wilbert, “Ako naging mabuti ako sa harap at likod mo, hanggang ngayon. Pero ako, kahit okay tayo, sunod-sunod ‘yung saksak mo. Na pinagmumukha mong mas malala, mas masama.

“Ilang taon ka na, 40 plus? 23 years old (ako). Mag-isa sa buhay. Marami akong pinagdaanan, kilala mo ako. Kailangan ko lang i-explain din ‘yung side ko. Hindi kita ginamit. Hindi kita ginamit. Tigilan na natin ‘tong gulo na ‘to,” pakiusap pa ni Zeinab kay Wilbert.

Wilbert umapela sa kumu voting sa ‘PBB’: Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake napaiyak habang nagpapasalamat sa kapatid: Siya ang nag-save sa akin, kaya itinuloy ko ang laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending