Joseph Marco, Ryza Cenon waging-wagi sa pagpapakilig sa 'Kunwari...Mahal Kita'; Thou Reyes agaw-eksena bilang beking 'beshiwap' | Bandera

Joseph Marco, Ryza Cenon waging-wagi sa pagpapakilig sa ‘Kunwari…Mahal Kita’; Thou Reyes agaw-eksena bilang beking ‘beshiwap’

Ervin Santiago |March 16,2023
facebook
share this

Joseph Marco, Ryza Cenon waging-wagi sa pagpapakilig sa ‘Kunwari…Mahal Kita’; Thou Reyes agaw-eksena bilang beking ‘beshiwap’

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 01:48 PM

NA-ENJOY namin ang latest romcom offering ng Viva Films na “Kunwari… Mahal Kita” na pinagbibidahan ni Ryza Cenon at ng “Pabakat King” na si Joseph Marco.

Napanood namin ang movie sa ginanap na premiere night nitong nagdaang Martes, March 14, sa Cinema 3 ng Fisher Mall, sa Quezon City, na dinaluhan ng cast members at ng direktor nitong si Roderick Lindayag.

Ito ang unang pagtatambal nina Ryza at Joseph sa movie at in fairness, nag-uumapaw din ang kanilang chemistry on screen kaya naman nagsisigawan at nagpapalakpakan ang audience sa kanilang mga pakilig na eksena.

Actually, hindi namin ine-expect na ganu’n kalakas ang magic ng dalawa bilang magka-loveteam dahil hindi pa nga sila nagkakasama ever sa teleserye o pelikula. Pero nagkamali kami matapos naming mapanood ang “Kunwari…Mahal Kita.”

Bukod sa kanilang mga kilig moments, winner din ang kanilang mga drama scenes na nagpaiyak sa mga manonood. Hindi na kami nagtaka rito dahil knows naman naming magaling talaga sa pagpapaiyak sina Ryza at Joseph.

Baka Bet Mo:

Ryza Cenon araw-araw natatakot bilang ina ni Night: May time nahulog siya sa kama, umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya

Sure na sure rin kami na maraming makaka-relate sa kuwento ng pelikula lalo na yung mga NBSB o no boyfriend since birth at yung mga nagmahal nang todo pero hindi parang hindi pa sapat para sa kanilang mga karelasyon.

Sasagutin ng “Kunwari…Mahal Kita” ang tanong na: Alin nga ba ang mas madali – ang magpanggap na in-love or magtago ng pagmamahal? Alin ang mas masakit: ang nagmahal ka pero niloko o minahal ka pero hindi totoo?

Sa kuwento ginagampanan ni Joseph ang karakter ni Greg Soriano na dumayo sa La Union matapos hiwalayan ng asawa kahit naging martyr ito sa kanilang pagsasama.

Si Ryza naman si Heidi “Hydes” Bolisay, isang staff sa resort na tinutuluyan ni Greg. Hindi naging maganda ang kanilang unang pagtatagpo, at sa takot na mapatalsik sa trabaho, pumayag siyang maging tour guide nito.

Nathalie Hart plays the role of Cindy Soriano, ang career-oriented na misis ni Greg. Nakukuha nito ang anumang gustuhin niya. At sa ngayon, gusto niya ng annulment.

Pero nang makita niya si Greg na kasama si Hydes, nagulat siya sa kanyang naramdaman. Bakit apektado pa siya na may girlfriend na ang asawa?

Laking gulat ni Hydes nang ipinakilala siya ni Greg bilang girlfriend niya. Nakiusap nang husto si Greg na makisakay na lang sa pagpapanggap. Ano ang kahihinatnan ng kanilang kasinungalingan? Sa pato

Ung-patong na pagpapanggap, makikilala pa ba ng mga bida kung ano ang tunay na pag-ibig?

Ayon sa tatlong bida ng pelikula, pamilyar ang ganitong tema dahil marami ang nakararanas ng ganitong sitwasyon. Pero para kay Joseph, mahalaga sa kanya ang maging tapat sa kung ano ang tunay niyang nararamdaman.

Kasama rin sa movie sina Josh Colet, Eslove Briones, Yayo Aguila at Thou Reyes na agaw-eksena bilang beshiwap (BFF) ni Ryza. Bawat bitaw niya ng punchlines ay talagang tatawa ka nang tatawa.

Showing na ngayon ang “Kunwari… Mahal Kita” sa mga sinehan mula pa rin sa Viva Films.

Related chika:

Anak nina Angelica at Greg nabinyagan na, listahan ng mga ninong at ninang ‘star-studded’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay tips ni Ryza para sa mga nagta-tantrums na baby: Hayaan n’yo muna, wag natin silang pagalitan, pagsabihan o sigawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending