Jerald Napoles pinatunayang karapat-dapat ding maging leading man, pang-best actor ang akting sa 'Instant Daddy' | Bandera

Jerald Napoles pinatunayang karapat-dapat ding maging leading man, pang-best actor ang akting sa ‘Instant Daddy’

Ervin Santiago |October 12,2023
facebook
share this

Jerald Napoles pinatunayang karapat-dapat ding maging leading man, pang-best actor ang akting sa ‘Instant Daddy’

Ervin Santiago - October 12, 2023 - 07:20 AM

Jerald Napoles pinatunayang karapat-dapat ding maging leading man, pang-best actor ang akting sa 'Instant Daddy'

Jerald Napoles, Althea Ruedas at Crisanto Aquino

HINDI na kami magtataka kung ma-nominate at magwaging best actor si Jerald Napoles sa susunod na awards season next year.

Ito’y para sa bago niyang pelikulang “Instant Daddy” under Viva Films na palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide.

Napanood na namin ang pelikula kamakalawa, October 10, sa naganap na premiere night nito sa SM Megamall Cinema 2, na dinaluhan ng halos lahat ng cast members, sa pangunguna nga ni Jerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naroon din ang child star na si Althea Ruedas, ang gumanap na anak ni Jerald sa movie, sina MC Muah, Danita Paner, Nikko Natividad, Ryza Cenon at ang kanilang direktor na si Crisanto Aquino.

Talaga namang kumpletos-rekados ang “Instant Daddy”, dahil bukod sa mga nakakatawang eksena, kikiligin din ang mga manonood sa movie at higit sa lahat iiyak din kayo sa madadramang eksena nina Jerald at Althea bilang magtatay.

Baka Bet Mo: Madam Inutz shocked pa rin sa pagiging instant star: Hindi po talaga ako makapaniwala!

At ang talagang dapat n’yong abangan at tutukan sa kuwento ay ang nakakaloka at makabagbag-damdaming twist nito sa ending. As in hindi namin naisip, pati na ng ibang nakapanood sa premiere night na ganu’n pala ang kahihinatnan ng mag-ama.

Siyempre, hindi na namin ikukuwento ang iba pang detalye ng istorya ng “Instant Daddy” para naman may gulat factor din sa inyo kapag nanonood na kayo sa mga sinehan.

Basta ang sure na sure kami ay ang napakagaling na performance nina Jerald at Althea sa movie na talagang namang pang-best actor at best actress. Panoorin n’yo na lang at kayo na ang manghusga.

Iikot ang kuwento ng “Instant Daddy” kay Val Roxas, isang taxi driver sa Maynila na mahilig makipag-one-night stand sa iba’t ibang babae at kung saan-saan.

Dahil sa childhood trauma, nangako si Val na hindi siya tutulad sa mga magulang kaya wala siyang intensyon na makipagrelasyon at allergic din sa long-term commitments.

Pero biglang magbabago ang buhay ni Val nang ang isa sa mga naging babae niya na si Julie ay mag-iiwan ng batang babae sa kanya at ipakikilala na anak pala niya. Hindi na lang namalayan ni Val na isa na siyang “instant daddy” at pinangalanan ang bata na Mirasol o Mira.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagbagong-buhay si Val para kay Mira at nagtrabaho ito para mapalaki nang maayos at mabigyan ng magandang kinabukasan si Mira.

Baka Bet Mo: Summa cum laude, class valedictorian sa UP umeksena sa E.A.T.: ‘Parang gusto ko na lang mag-artista tapos pag sumikat ako, tatakbo ako sa politics’

Si Mira ang nagpuno sa mga puwang sa puso ni Val. Pero kung kailan naging maayos na ang relasyon at kalagayan ng mag-ama, biglang babalik si Julie para muling kunin si Mira.

May haharapin na namang pagsubok si Val at sa isang iglap pwedeng mabago na naman ang buhay niya. Pero buo ang loob ni Val ngayon na ipaglalaban niya si Mira at gagawin niya ang lahat para hindi mawalay ang anak sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Instant Daddy” kaya sugod and watch na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending