Madam Inutz shocked pa rin sa pagiging instant star: Hindi po talaga ako makapaniwala! | Bandera

Madam Inutz shocked pa rin sa pagiging instant star: Hindi po talaga ako makapaniwala!

Ervin Santiago |September 09,2021
facebook
share this

Madam Inutz shocked pa rin sa pagiging instant star: Hindi po talaga ako makapaniwala!

Ervin Santiago - September 09, 2021 - 12:40 PM

Madam Inutz

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang internet sensation at viral online seller na si Madam Inutz sa pagiging instant star sa social media.

Inaasahan na mas magiging aktibo at busy si Madam Inutz o Daisy Cabantog sa tunay na buhay, dahil sa kaliwa’t kanang guesting at projects na ino-offer sa kanya.

Kaya naman abot-langit ang pagpapasalamat niya sa lahat ng blessings na dumarating na talagang hindi niya in-expect na mangyayari sa kanyang buhay.

In fairness, bentang-benta rin sa mga netizens ang kanyang first-ever bonggang pictorial na mabilis ngang nag-viral sa social media.

“Kahit po ako hindi makapaniwalang ako ‘yon. Talagang na-amaze po ako. Na-surprise ako sa mga nangyayari talaga as in hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink in ‘yung mga nangyayari sa buhay ko. It’s such a blessing talaga,” pahayag ni Madam Inutz sa panayam ng GMA.

Chika ng viral online seller ang kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino ang nakaisip ng concept para sa kanyang glow up photoshoot kung saan ibinandera nga ang nakamamanghang transformation sa kanyang itsura.

Pero saan nga ba nagmula ang pangalang “Madam Inutz”, “Siyempre po yung Madam Inutz, it means, kasi lahat tayo dumaan sa pandemic. Lahat tayo parang mga literal na inutil dahil sa mga walang trabaho. Nganga!” natatawang chika ni Daisy.

Aniya, dahil mas nakikilala na siya ngayon, mas dumami pa ang nanghihingi ng shoutout mula sa kanya, “Ngayon po, marami pa rin pong nagpapa-shoutout kaso nga lang ‘yung mga bumibili po through messenger na lang.

“Kasi hindi na rin sila makapasok (online) kaya nagme-message na lang sila kapag bumibili ng item. Pero sa mga comment section, talagang puro pa-shoutout na lang,” sabi pa ni Madam.

Unang sumikat si Madam Inutz sa pagiging online seller dahil na rin sa kuwelang istilo niya sa pagbebenta ng kanyang mga items. 

Naging kontrobersyal siya nitong mga nakaraang linggo dahil sa pagre-resign niya sa isang talent agency ilang araw matapos siyang pumirma ng kontrata.

“Umalis na ako sa Star Image dahil na rin sa inyo at dahil na rin sa pamilya ko.

“Sa mga dokumento, na-confuse ako. Kasi unang-una pumirma ako ng kontrata, ang passport ko paso. pero tinanggap nila.

“And then, tinanong nila ako kung ok lang ba na kunin nila ‘yung phone number ko para sila na ‘yung sumagot ng mga calls na natanggap niyo. Ngayon, hindi na po ako ang sumasagot ‘non.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Du’n palang parang alam niyo ‘yun, magulo as in magulo. Tapos walang expiration ‘yung kontrata ko kumbaga nag-deal kami ng 4 years. Halimbawa na wala kang project, 1, 2, 3 years wala… nganga!” paliwanag niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending