Anak nina Angelica at Greg nabinyagan na, listahan ng mga ninong at ninang ‘star-studded’
NABINYAGAN na ang anak nina Angelica Panganiban at fiance na si Greg Homan.
Ibinandera ito mismo sa kanilang Instagram page na “The Homans.”
Makikita sa caption na nitong February 4 naganap ang binyag ni Baby Amila.
Sey sa caption, “Amila Sabine’s Baptism | February 04, 2023 [double hearts emoji]”
View this post on Instagram
Makikita naman sa Instagram stories ni Angelica na star-studded ang mga kinuhang ninong at ninang para sa kanyang anak.
Kabilang na riyan ang aktor na si John Prats, pati na rin ang mga aktres na sina Kim Chiu at Bela Padilla.
Nag-post din si John sa kanyang Instagram at excited na ibinalita na ninong na siya ni Baby Bean.
Caption ng aktor, “Yahoo!!! May inaanak na ako sayo Pets @iamangelicap. Pasensya na at hindi ka muna importante ngayon. Si bean talaga ang nag pa excite sakin.”
“Congratulations @gregg_homan and @iamangelicap [folded hands emoji] Forever nandito ang Pamilya ko para sa inyo! Love you guys!,” aniya.
View this post on Instagram
Kamakailan lang ay tinamaan ng COVID-19 si Angelica at ibinahagi niya sa kanyang social media na labis siyang nalungkot dahil nawalay siya sa kanyang anak.
Sa pamamagitan ng YouTube vlog noong January 29 ay naging emosyonal at naiyak pa ang aktres habang ikinukwento kung gaano siya nag-aalala sa kanyang mag-ama.
“Hindi ko maalagaan, hindi ko mahawakan,” saad niya sa video.
Patuloy pa niya, “parang torture, parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa ‘yung nararamdaman kong sakit, pero kailangan magsakripisyo na ilang araw lang naman sana, na hindi ko makakasama ‘yung anak ko at saka si Gregg.”
Related chika:
Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko
Ogie, Regine nag-volunteer na bilang ninong at ninang sa kasal nina Paulo at Janine
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.