Liza Soberano naranasang ma-back stab ng mga katrabaho, tinawag na ‘little producer’
ISA-ISA nang sinagot ng aktres na si Liza Soberano ang mga intrigang ibinabato sa kanya buhat nang lumabas ang YouTube vlog niyang “This Is Me”.
Sa kanyang panayam kay Boy Abunda ay ipinaliwanag ng dalaga kung saan siya nanggagaling sa kanyang vlog at nilinaw ang mga isyu gaya ng kanyang pagiging umgrateful sa mga taong tumulong sa kanya noon para marating kung ano ang meron siya ngayon sa showbiz.
Bagama’t nauna na niyang ipinahayag sa vlog na pakiramdam niya ay nakulong siya sa isang kahon at madalas ay sinusunod lang niya ang mga sinasabi sa kanya, inamin niyang kahit papaano ay may choice siya sa mga ipini-pitch na story sa kanila ngunit may iba pa siyang gustong gawin sa creatives.
“When I started realizing na meron akong mga gustong gawin… when I started having kind of using my voice and asking for fertain things, it didn’t start til after I left Darna actually,” saad ni Liza.
Dagdag pa niya, “Masunurin naman ako and alam ko na everybody that is part of my journey, everybody that I worked with, Tito Ogie, ABS-CBN, Quen (Enrique Gil), the management, they’re all knowledgeable on what they do. They’re all very experienced in showbiz.”
Ibinahagi rin ni Liza na noong mga panahong minamahal na niya ang pag-arte, may mga pagkaktain sa taping kung saan nagbibigay siya ng suhestiyon ukol sa kanyang karakter.
“This is just in taping, this is not management level or anything. With the script, when I started like really understanding how acting works, stsrted understanding character development and everything, mayroon pong mga times na I would talk to the director.
Baka Bet Mo: Liza Soberano inalok mag-audition bilang Mary Jane sa ‘Spiderman’, hindi pinayagan ng dating management?
“I would talk to the PAs (production assistants), I would talk to the writers and be like ‘Sa tingin ko po hindi sasabihin ng character ko to. Hindi gagawin ng character ko to’ and sometimes they would negotiate…
“Pero I didn’t know that behind my back, actually a close director [and] friend of mine told me na they would talk about me behind my back during pre-prod meetings and call me little producer,” pagkukwento ni Liza.
Kaya raw pagkatapos no’n ay pakiramdam niya na wala siyang karapatan o sey.
“I felt like I didn’t have the right to bring this up kasi feeling ko nao-offend ko ‘yung mga tao sa paligid ko which is not my intention. But I thought as an actor that that was my job also to do — to question, to help improve the story, to be collaborative,” dagdag pa ni Liza.
Sinubukan rin daw niyang magsumbong sa kanyang dating talent manager na si Ogie Diaz sa nangyayari sa set ngunit dahil hindi niya pwedeng ilaglag ang kanyang source ay wala na silang nagawa ukol sa isyu at nagdesisyon na lang na manahimik.
Chika pa ni Liza, “Nagsabi po ako kay Tito Ogie but then dahil hindi ko po masabi kung sino ang nagbibigay ng information sa akin, we can’t really do anything about it. [I decided] to stay quiet… Kasi naisip ko na baka ganoon lang talaga ang showbiz.
“I didn’t know anything else beyond that so maybe iniisip ko pa nga, ako ‘yung rude for questioning the creatives decisions.”
Hindi na rin lumaban si Liza dahil sa takot nitong makaapak ng ibang tao.
“I don’t like to disappoint people and I don’t like creating enemies. I just… I’m a people please so hindi ko kaya pag people feel bad [or] having bad feelings towards me.”
Related Chika:
‘Si Liza Soberano mismo ang tumangging bigyan sila ni Enrique Gil ng ibang ka-loveteam’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.